Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sumaryo Mula sa What Can the Bible Teach Us?

8. Ano Ba ang Kaharian ng Diyos?

8. Ano Ba ang Kaharian ng Diyos?

1 ANG KAHARIAN NG DIYOS AY ISANG TUNAY NA GOBYERNO

“Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.”—Mateo 6:9-13

Ano ba ang Kaharian ng Diyos?

  • Apocalipsis 11:15

    Ang Kaharian, o gobyerno, ng Diyos ay mamamahala sa lupa mula sa langit.

  • 1 Timoteo 6:15

    Si Jesus ang Hari ng Kaharian ng Diyos.

  • Apocalipsis 14:1, 4

    144,000 mula sa sangkatauhan ang makakasama ni Jesus sa langit para mamahala.

  • Hebreo 4:15; 5:8

    Naiintindihan ni Jesus at ng 144,000 ang ating nadarama at mga problema.

2 MAGIGING PINAKAMAHUSAY NA TAGAPAMAHALA SI JESUS

“Sa katuwiran ay hahatulan niya ang mga maralita [o, mahihirap].”—Isaias 11:4

Bakit si Jesus lang ang kuwalipikadong maging Hari ng Kaharian?

  • 1 Timoteo 6:16

    Ang lahat ng tagapamahalang tao ay namamatay, pero si Jesus ay hindi kailanman mamamatay. Mananatili magpakailanman ang lahat ng mabubuting bagay na gagawin ni Jesus para sa atin.

  • Isaias 11:2-4

    Anumang mabubuting gawa ng tagapamahalang tao ay kayang higitan ni Jesus. Kahit na pagsama-samahin ang lahat ng tagapamahalang tao, mas makapangyarihan pa rin si Jesus. Siya ay makatarungan at mahabagin.

3 TITIYAKIN NG KAHARIAN NG DIYOS NA MATUTUPAD ANG KALOOBAN NG DIYOS

“Magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman.”—Daniel 2:44

Ano na ang nagawa ng Kaharian? Ano pa ang gagawin nito sa hinaharap?

  • Apocalipsis 12:7-12

    Nang maging Hari si Jesus noong 1914, pinalayas niya sa langit si Satanas at inihagis sa lupa. Iyan ang dahilan kung bakit napakaraming problema, kirot, at pagdurusa sa buong lupa.

  • Eclesiastes 8:9; Apocalipsis 16:16

    Sa Armagedon, pupuksain ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng malupit at tiwaling gobyerno ng tao.

  • Awit 37:10

    Lilipulin ang lahat ng taong patuloy na gumagawa ng masama.

  • Apocalipsis 22:1-3

    Kapag namahala na sa lupa ang Kaharian ng Diyos, wala nang magkakasakit o mamamatay at pararangalan ng lahat ng tao ang pangalan ng Diyos.