Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sumaryo Mula sa What Can the Bible Teach Us?

2. Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos

2. Ang Bibliya—Isang Aklat Mula sa Diyos

1 ANG BIBLIYA AY GALING SA DIYOS

“Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos.”—2 Timoteo 3:16

Ano ang kaibahan ng Bibliya sa iba pang aklat?

Ang Bibliya ay naisalin na sa mga 2,600 wika, at bilyon-bilyong kopya na ang naimprenta.

May mga impormasyon ito na hindi natin makikita sa ibang aklat.

2 ANG BIBLIYA AY AKLAT NG MGA HULA

‘Ang Diyos ay hindi makapagsisinungaling.’—Tito 1:2

Bakit ka makapagtitiwala sa Bibliya?

  • Isaias 44:27–45:2

    Ang paraan ng pagsakop sa Babilonya ay inihula na ng Bibliya daan-daang taon bago pa man ito mangyari.

  • 2 Timoteo 3:1-5

    Natutupad ngayon ang mga hula ng Bibliya.

  • Bilang 23:19

    Makapagtitiwala tayo sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa hinaharap.

3 ISINULAT ANG BIBLIYA PARA TULUNGAN KA

“Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka.”—Isaias 48:17

Ano ang natutuhan mo tungkol sa Bibliya?

  • Job 26:7; Isaias 40:22

    Tama ang sinasabi ng Bibliya may kinalaman sa siyensiya.

  • Bilang 20:2-12

    Tapat ang mga manunulat ng Bibliya.

  • Mateo 5-7

    Nagbigay si Jesus ng payo kung paano magiging masaya, kung paano makikitungo sa iba, kung paano mananalangin, at kung ano ang dapat na maging pananaw sa pera.

4 MABABAGO NG BIBLIYA ANG IYONG BUHAY

“Ang salita ng Diyos ay buháy at may lakas.”—Hebreo 4:12

Ano ang maitutulong sa iyo ng Salita ng Diyos?

  • Matutulungan ka nitong maunawaan ang layunin ng Diyos.

  • Matutulungan ka nitong makilala ang iyong sarili.

  • Matutulungan ka nitong maunawaan kung ano ang inaasahan ng Diyos sa iyo.

Gusto ng Diyos na basahin mo ang Bibliya; pag-aralan ito at mahalin.