Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sumaryo Mula sa What Can the Bible Teach Us?

16. Sambahin ang Diyos sa Tamang Paraan

16. Sambahin ang Diyos sa Tamang Paraan

1 IWASAN ANG MALING PAGSAMBA

“Lumabas kayo mula sa kanila, at humiwalay kayo, . . . at tigilan na ninyo ang paghipo sa maruming bagay.”—2 Corinto 6:17

Bakit maling sumamba sa mga imahen at ninuno?

2 HINDI LAHAT NG PAGDIRIWANG AY KATANGGAP-TANGGAP SA DIYOS

“Patuloy ninyong tiyakin kung ano ang kaayaaya sa Panginoon.”—Efeso 5:10

Paano ka magdedesisyon kung sasali ka o hindi sa isang pagdiriwang?

  • Ezekiel 44:23; 2 Corinto 6:14, 15

    Alamin kung galing ito sa mga pagano, o di-Kristiyano.

  • Exodo 32:2-10

    Kahit ang isang pagdiriwang ay inorganisa nang may mabuting intensiyon, baka hindi pa rin ito sinasang-ayunan ng Diyos.

  • Daniel 3:1-27

    Iwasan ang mga pagdiriwang na nagpaparangal sa mga tao, organisasyon, o mga pambansang sagisag.

  • 1 Timoteo 1:18, 19

    Mag-isip muna bago magpasiya, at tiyaking naiingatan ang mabuting budhi sa harap ng Diyos.

3 MAGING MABAIT KAPAG IPINALILIWANAG SA IBA ANG IYONG PANINIWALA

“Ang inyong pananalita nawa ay laging may kagandahang-loob, na tinimplahan ng asin, upang malaman kung paano kayo dapat magbigay ng sagot sa bawat isa.”—Colosas 4:6

Paano mo dapat ipaliwanag sa iba ang paniniwala mo?

  • Mateo 7:12

    Igalang ang pasiya ng iba kung paanong gusto mo ring igalang nila ang pasiya mo.

  • 2 Timoteo 2:24

    Laging maging mabait, at huwag makipagtalo sa iba pagdating sa iyong paniniwala.

  • 1 Pedro 3:15

    Maging mahinahon at magalang sa pagtatanggol ng paniniwala mo.

  • Hebreo 10:24, 25

    Sa mga pulong Kristiyano, mapapatibay ka ng mga dumadalo roon at matutulungan kung ano ang iyong sasabihin kapag kinuwestiyon ang paniniwala mo.