Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Sumaryo Mula sa What Can the Bible Teach Us?

15. Ang Tamang Paraan ng Pagsamba sa Diyos

15. Ang Tamang Paraan ng Pagsamba sa Diyos

1 KUNG PAANO MAKIKILALA ANG TUNAY NA PAGSAMBA

“Makipot ang pintuang-daan at masikip ang daan na umaakay patungo sa buhay, at kakaunti ang mga nakasusumpong nito.”—Mateo 7:14

Paano natin nalaman na hindi lahat ng uri ng pagsamba ay tinatanggap ng Diyos?

  • Mateo 7:21-23

    Hindi lahat ng relihiyon ay tinatanggap ng Diyos. Hindi lahat ng relihiyon ay gumagawa ng kalooban ng Diyos.

  • Mateo 7:13, 14

    Ang tunay na pagsamba ay umaakay sa walang-hanggang buhay. Ang huwad na relihiyon ay umaakay sa walang-hanggang pagkapuksa.

  • Mateo 7:16, 17

    Makikilala mo ang tunay na pagsamba sa mga gawa nito. Hindi mo kailangang pag-aralan ang lahat ng relihiyon; basta pag-aralan mo lang ang Bibliya.

2 ANG TAMANG PARAAN NG PAGSAMBA SA DIYOS

3 DAPAT KANG KUMILOS AYON SA PINANINIWALAAN MO

Ano ang dapat mong gawin para tanggapin ng Diyos ang iyong pagsamba?

  • Santiago 2:19

    Hindi sapat na basta maniwala sa Diyos. Dapat mo ring gawin ang sinasabi ng Bibliya.

  • Isaias 52:11; Apocalipsis 17:5

    Ang paraan ng pagsamba na itinuturo ng huwad na relihiyon, o “Babilonyang Dakila,” ay hindi katanggap-tanggap sa Diyos. Kasama sa mga turo ng huwad na relihiyon ang Trinidad, imortalidad ng kaluluwa, at impiyerno.

  • Apocalipsis 18:4, 8

    Malapit nang puksain ni Jehova ang lahat ng huwad na relihiyon. Dapat mong tanggihan ang anumang bagay na may kinalaman sa huwad na pagsamba.

  • Marcos 10:28-30

    Baka may sumalansang sa iyo, pero hindi ka pababayaan ni Jehova.