Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Bahagi 5: PAGKABIHAG SA BABILONYA HANGGANG SA MULING PAGTATAYO NG MGA PADER NG JERUSALEM

Bahagi 5: PAGKABIHAG SA BABILONYA HANGGANG SA MULING PAGTATAYO NG MGA PADER NG JERUSALEM

Sa Babilonya, nagkaroon ang mga Israelita ng maraming pagsubok sa kanilang pananampalataya. Sina Sadrac, Mesac at Abednego ay inihagis sa maapoy na hurno, pero iniligtas sila ng Diyos. Si Daniel ay itinapon sa yungib ng mga leon, pero ipinagtanggol din siya ng Diyos.

Sa wakas, ang mga Israelita ay pinalaya ni Haring Ciro ng Persiya. Umuwi sila 70 taon pagkaraang mabihag. Agad nilang sinimulan ang pagtatayo ng templo ni Jehova. Pero dahil sa panggugulo ng mga kaaway, ito ay natapos pagkaraan lang ng 22 taon.

Matututuhan din natin ang paglalakbay ni Ezra pabalik sa Jerusalem para pagandahin ang templo 47 taon pagkayari nito. 13 taon pagkaraan, tumulong si Nehemias sa pagtatayo ng nawasak na mga pader ng Jerusalem. Ang Bahagi LIMA ay sumasaklaw sa 152 taon ng kasaysayan hanggang sa panahong yaon.

Nananalangin si Ezra at ang mga tao