Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 69: Isang Batang Babae ay Tumulong sa Isang Makapangyarihang Lalaki

Kuwento 69: Isang Batang Babae ay Tumulong sa Isang Makapangyarihang Lalaki

ALAM mo ba kung ano ang sinasabi ng batang ito? Ikinukuwento niya sa babae ang tungkol sa propeta ni Jehova na si Eliseo at ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa niya sa tulong ni Jehova. Ang babae ay hindi isang Israelita. Tingnan natin kung bakit ang bata ay nasa bahay ng babaeng ito.

Ang babae ay isang taga-Sirya. Siya ay asawa ni Naaman, hepe ng hukbong Siryano. Nadakip ng mga Siryano ang batang Israelitang ito at siya ay naging alipin ng asawa ni Naaman.

Asawa ni Naaman at ang kaniyang batang alipin

Si Naaman ay may nakapandidiring sakit na kung tawagin ay ketong. Sinabi ng bata sa asawa ni Naaman: ‘Sana ay pumunta ang panginoon ko sa propeta ni Jehova sa Israel. Pagagalingin siya sa kaniyang ketong.’ Kaya, ibinalita ng babae sa asawa niya kung ano ang sinabi ng batang babae.

Nagpasiya si Naaman na pumunta sa Israel. Pagdating doon, pinuntahan niya ang bahay ni Eliseo. Pinalabas ni Eliseo ang alipin niya para sabihin kay Naaman na maligo sa Ilog Jordan nang pitong beses. Nagalit si Naaman kaya umalis siya. Sa palagay niya ang mga ilog sa Sirya ay mas mabuti kaysa mga ilog sa Israel.

Pero, isa sa mga alipin ni Naaman ang humikayat sa kaniya na gawin ang sinabi ni Eliseo. Kaya pitong beses na sumisid si Naaman sa ilog Jordan. Pagkatapos nito, siya ay gumaling.

Tuwang-tuwa si Naaman, kaya bumalik siya kay Eliseo at gusto niyang bigyan ito ng regalo. Sinabi ni Eliseo: ‘Hindi, ayokong tumanggap ng regalo.’ Alam niya na maling tumanggap ng regalo, kasi si Jehova ang nagpagaling kay Naaman. Pero ang alipin ni Eliseo, si Gehasi, ay gustung-gustong makatanggap ng regalo.

Kaya ganito ang ginawa ni Gehasi. Pag-alis ni Naaman, hinabol niya ito. Sinabi niya na gustong kunin ni Eliseo ang ilan sa regalo ni Naaman para ibigay sa mga kaibigan na kararating pa lang. Oo, ito ay kasinungalingan. Pero hindi alam ito ni Naaman, kaya ibinigay niya kay Gehasi ang ilan sa mga regalo.

Sinabi ni Jehova kay Eliseo kung ano ang ginawa ni Gehasi. Pag-uwi ni Gehasi, nakita niya na ang ketong ni Naaman ay lumipat sa kaniya bilang parusa.

Ano ang matututuhan natin dito? Una, dapat tayong gumaya sa batang babae at magsalita tungkol kay Jehova. Ikalawa, hindi tayo dapat maging mayabang, gaya ni Naaman sa umpisa. At ikatlo, hindi tayo dapat magsinungaling gaya ng ginawa ni Gehasi.

2 Hari 5:1-27.



Mga Tanong

  • Sa larawan, ano ang sinasabi ng bata sa babae?
  • Sino ang babaeng nasa larawan, at bakit nasa bahay ng babae ang bata?
  • Ano ang ibinilin ni Eliseo na sabihin ng alipin kay Naaman, at bakit nagalit si Naaman?
  • Ano ang nangyari nang makinig si Naaman sa kaniyang mga lingkod?
  • Bakit ayaw tanggapin ni Eliseo ang regalo ni Naaman, pero ano ang ginawa ni Gehasi?
  • Ano ang nangyari kay Gehasi, at ano ang matututuhan natin dito?

Karagdagang mga tanong

Higit Pang Impormasyon

Tutulungan Ka ni Jehova na Maging Matapang

Ano ang makakatulong sa iyo na maging matapang para masabi mo sa iba ang tungkol kay Jehova?

Gumaling ang Isang Ketongin!

Alamin kung ano ang ginawa ni Naaman para gumaling.

Nagsinungaling si Gehazi

Anong dalawang kasinungalingan ang sinabi ni Gehazi? I-print ang activity at pagdugtung-dugtungin ang mga tuldok. Matuto mula sa ulat ng Bibliya.