Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 64: Itinayo ni Solomon ang Templo

Kuwento 64: Itinayo ni Solomon ang Templo

BAGO namatay si David, ibinigay niya kay Solomon ang mga plano na galing sa Diyos para sa pagtatayo ng templo ni Jehova. Sa ikaapat na taon ng kaniyang paghahari, pinasimulan ni Solomon ang pagtatayo ng templo. Pito at kalahating taon na ginawa ito. Nangailangan ng malaking trabaho at maraming pera!

Ang templo ay may dalawang pangunahing silid, gaya ng sa tabernakulo. Pero ang mga silid na ito ay doble ang laki kaysa sa tabernakulo. Ang kaban ng tipan at iba pang kasangkapan sa tabernakulo ay inilagay sa templo.

Nang matapos ang templo, nagkaroon ng malaking pagdiriwang. Lumuhod si Solomon sa harap ng templo at nagdasal, gaya ng makikita mo sa larawan. ‘Alam kong napakaliit ng templong ito para ka magkasiya,’ sabi ni Solomon, ‘Pero, O Diyos ko, pakinggan mo sana ang iyong bayan kapag nagdadasal sila sa dakong ito.’

Nananalangin si Haring Solomon

Nang matapos si Solomon sa pagdarasal, bumaba ang apoy mula sa langit at sinunog ang mga handog na hayop. Isang maliwanag na ilaw ang pumuno sa templo. Kaya alam ng bayan na si Jehova ay natutuwa sa templo. Kaya ang templo ay naging lugar na puntahan ng tao para sumamba sa Diyos.

Matagal naghari si Solomon sa paraang may-katalinuhan. Pero nag-asawa siya ng maraming babae mula sa ibang bayan na hindi sumasamba kay Jehova. Nakikita mo ba ang isa sa kanila na sumasamba sa harap ng idolo? Sa wakas si Solomon ay hinikayat ng kaniyang mga asawa na sumamba sa ibang mga diyos. Kaya siya ay naging malupit at ang mga tao ay hindi na naging maligaya.

Sumasamba sa idolo si Haring Solomon

Dahil dito ay nagalit si Jehova. Sinabi niya kay Solomon na sa paghahari ng kaniyang anak, kukunin niya ang kaharian at ibibigay ito sa ibang tao. Pero hindi niya kukunin ang lahat ng tao sa kaharian. Tingnan natin kung papaano ito mangyayari.

1 Cronica 28:9-21; 29:1-9; 1 Hari 5:1-18; 2 Cronica 6:12-42; 7:1-5; 1 Hari 11:9-13.



Mga Tanong

  • Gaano katagal natapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo ni Jehova?
  • Ilan ang pangunahing silid ng templo, at ano ang inilagay sa loob nito?
  • Ano ang dasal ni Solomon nang matapos ang templo?
  • Paano ipinakita ni Jehova na natutuwa siya sa dasal ni Solomon?
  • Hinikayat si Solomon ng kaniyang mga asawa na gawin ang ano, at ano ang nangyari kay Solomon?
  • Bakit nagalit si Jehova kay Solomon, at ano ang sinabi ni Jehova sa kaniya?

Karagdagang mga tanong