Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 44: Itinago ni Rahab ang mga Tiktik

Kuwento 44: Itinago ni Rahab ang mga Tiktik

NANGANGANIB ang mga lalaking ito. Dapat silang makatakas, kung hindi’y mamamatay sila. Sila’y mga espiyang Israelita, at ang babaeng tumutulong sa kanila ay si Rahab. Alamin natin kung bakit nanganganib ang mga lalaking ito.

Tatawid na ang mga Israelita sa Ilog Jordan tungo sa Canaan. Nagsugo si Josue ng dalawang espiya para tiktikan ang lupain at ang Jerico.

Si Rahab at ang dalawang tiktik na Israelita

Pagdating ng mga tiktik sa Jerico, pumasok sila sa bahay ni Rahab. Pero isinumbong sila sa hari. Pinapunta ng hari ang ilang lalaki kina Rahab, na nag-utos naman sa kaniya: ‘Ilabas mo ang mga lalaking nasa iyong bahay!’ Pero itinago ni Rahab ang mga tiktik sa bubong. Kaya sinabi niya: ‘May pumarito ngang mga lalaki. Pero nakaalis sila bago isara ang pintuan ng lunsod. Dali, baka abutan pa ninyo sila!’ Kaya hinabol sila ng mga lalaki.

Pagkaalis nila, sinabi ni Rahab sa mga tiktik: ‘Alam ko na ibibigay sa inyo ni Jehova ang lupaing ito. Nabalitaan namin ang pambihirang mga bagay na ginawa niya para sa inyo. Naging mabait ako sa inyo, sana maging mabait din kayo sa akin. Iligtas ninyo ang tatay ko, ang nanay ko, at ang mga kapatid ko.’

Nangako ang mga espiya na gagawin nila ito, pero may dapat gawin si Rahab. ‘Kunin mo ang pulang lubid na ito,’ sabi nila, ‘at itali mo ito sa iyong bintana. Sunduin mo ang mga kamag-anak mo. Pagbalik namin dito, makikita namin ang taling ito sa bintana at hindi namin papatayin ang sinomang nasa iyong bahay.’ Nagbalik ang mga tiktik kay Josue, at ibinalita ang nangyari.

Josue 2:1-24; Hebreo 11:31



Mga Tanong

  • Saan nakatira si Rahab?
  • Sino ang dalawang lalaking nasa larawan, at bakit sila nasa Jerico?
  • Ano ang iniutos ng hari ng Jerico kay Rahab, at ano ang isinagot niya?
  • Paano tinulungan ni Rahab ang dalawang lalaki, at ano ang hiniling niya?
  • Ano ang ipinangako ng dalawang tiktik o espiya kay Rahab?

Karagdagang mga tanong

  • Basahin ang Josue 2:1-24.

    Paano natupad ang pangako ni Jehova na nakaulat sa Exodo 23:28 nang dumating ang mga Israelita laban sa Jerico? (Jos. 2:9-11)

  • Basahin ang Hebreo 11:31.

    Paano idiniriin sa halimbawa ni Rahab ang kahalagahan ng pananampalataya? (Roma 1:17; Heb. 10:39; Sant. 2:25)

Higit Pang Impormasyon

Naniwala si Rahab kay Jehova

Alamin kung paano nakaligtas si Rahab at ang pamilya niya nang wasakin ang Jerico.

Si Rahab ay ‘Ipinahayag na Matuwid sa Pamamagitan ng mga Gawa’

Paano ipinakikita ng kuwento ni Rahab na lahat tayo ay mahalaga kay Jehova? Ano ang matututuhan natin mula sa kaniyang pananampalataya?