Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 21: Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

Kuwento 21: Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

NAPAKALUNGKOT ng batang ito. Siya’y si Jose. Ipinagbili siya ng mga kuya niya sa mga lalaking ito para maging alipin sa Ehipto. Bakit ginawa ng mga kapatid ni Jose ang napakasamang bagay na ito? Kasi inggit-na-inggit sila sa kaniya.

Ipinagbibili si Jose ng mga kapatid niya

Si Jose ay mahal-na-mahal ng tatay nilang si Jacob. Ipinagpagawa siya ng isang mahabang damit. Kaya ang 10 kuya niya ay nainggit at napoot sa kaniya.

At saka, dalawang beses nanaginip si Jose. Doon, ay dalawang beses yumuko ang mga kapatid ni Jose sa kaniya. Nang ikuwento ni Jose ang panaginip sa mga kapatid niya, lalo silang napoot.

Isang araw, nang ang mga kuya ni Jose ay nag-aalaga sa tupa ng kanilang tatay, sinabi ni Jacob kay Jose na puntahan sila. Nang makita siyang dumarating, inisip ng kaniyang mga kapatid na patayin siya. Pero ang panganay, si Ruben, ay nagsabi: ‘Huwag, masama iyan!’ Inihulog na lang nila si Jose sa isang tuyong balon. At saka nila inisip kung ano ang gagawin sa kaniya.

Siya namang pagdaan ng ilang lalaking Ismaelita. Kaya si Jose ay ipinagbili nila sa mga Ismaelita sa halagang 20 pirasong pilak. Napakasama at napakalupit nila!

Pagkatapos ay pumatay sila ng kambing at isinawsaw ang magandang damit ni Jose sa dugo nito. Iniuwi nila ang damit sa tatay nilang si Jacob at sinabi: ‘Nakita namin ito. Hindi ba ito ang damit ni Jose?’

Nakita ni Jacob na ito nga. Napaiyak siya. ‘Pinatay yata si Jose ng mabangis na hayop.’ Ito nga ang gusto ng mga kapatid ni Jose na isipin ng tatay nila. Lungkot-na-lungkot si Jacob. Ilang araw siyang umiiyak. Pero hindi patay si Jose. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kaniya.

Genesis 37:1-35



Mga Tanong

  • Bakit inggit na inggit ang mga kapatid ni Jose sa kaniya, at ano ang ginawa nila?
  • Ano ang gustong gawin ng mga kapatid ni Jose sa kaniya, pero ano ang sinabi ni Ruben?
  • Ano ang nangyari nang dumaan ang negosyanteng mga Ismaelita?
  • Ano ang ginawa ng mga kapatid ni Jose para isipin ng kanilang ama na patay na si Jose?

Karagdagang mga tanong

Higit Pang Impormasyon

Ipinagbili si Jose Para Maging Alipin

I-download at i-print ang pahinang ito na puwedeng kulayan, at hanapin ang dalawang bagay na iba sa kuwento ng Bibliya.

Si Jose sa Lupain ng Ehipto

Paano mo mapasasaya ang Diyos kahit walang nakakakita sa iyo? Basahin ang kuwentong ito sa Bibliya at matuto sa halimbawa ni Jose.