Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 15: Lumingon ang Asawa ni Lot

Kuwento 15: Lumingon ang Asawa ni Lot

SI LOT at ang pamilya niya ay sumama kay Abraham sa Canaan. Isang araw sinabi ni Abraham kay Lot: ‘Masikip na ang lupain para sa lahat ng ating mga hayop. Puwede bang maghiwalay na tayo?’

Nakita ni Lot ang isang magandang lugar na may tubig at sariwang damo para sa kaniyang mga hayop. Ito ang Distrito ng Jordan. Kaya inilipat doon ni Lot ang kaniyang pamilya at mga hayop. Sa katagalan ay sa lunsod ng Sodoma na sila nanirahan.

Napakasama ng mga taga-Sodoma. Nalungkot si Lot, kasi mabuti siyang tao. Nalungkot din ang Diyos. Kaya dalawang anghel ang inutusan ng Diyos para sabihin kay Lot na sisirain niya ang Sodoma at ang katabing lunsod ng Gomora dahil sa kasamaan nito.

Sinabi ng anghel kay Lot: ‘Dali! Umalis ka kasama ang iyong asawa at dalawang anak na dalaga!’ Kaya hinila sila ng mga anghel at inilabas sila sa lunsod. Isa sa mga anghel ang nagsabi: ‘Tumakas kayo para makaligtas! Huwag kayong lilingon!’

Kaya tumakbo si Lot at ang kaniyang mga anak. Hindi sila lumingon. Pero sumuway ang asawa ni Lot. Huminto siya ng pagtakbo at lumingon sa Sodoma. Kaya ang asawa ni Lot ay naging haligi ng asin. Nakikita mo ba siya sa larawan?

Ito ay nagpapakita na inililigtas ng Diyos ang mga sumusunod sa kaniya, pero yaong mga hindi sumusunod sa kaniya ay mamamatay.

Genesis 13:5-13; 18:20-33; 19:1-29; Lucas 17:28-32; 2 Pedro 2:6-8

Tumatakas si Lot mula sa Sodoma


Mga Tanong

  • Bakit naghiwalay sina Abraham at Lot?
  • Bakit pinili ni Lot na manirahan sa Sodoma?
  • Anong uri ng tao ang mga taga-Sodoma?
  • Anong babala ang ibinigay ng dalawang anghel kay Lot?
  • Bakit naging haligi ng asin ang asawa ni Lot?
  • Anong leksiyon ang matututuhan natin sa nangyari sa asawa ni Lot?

Karagdagang mga tanong

Higit Pang Impormasyon

Naging Haliging Asin ang Asawa ni Lot

Basahin ang ulat na ito ng Bibliya at pagdugtung-dugtungin ang mga tuldok. Ano ang matututuhan mo mula sa asawa ni Lot.

Si Lot at ang Pamilya Niya—Isang Isinalarawang Kuwento

I-download ang activity na ito, at tingnan kung ano ang matututuhan mo tungkol kay Lot at sa pamilya niya.