Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 8: Mga Higante sa Lupa

Kuwento 8: Mga Higante sa Lupa

KUNG makakakita ka ng isang tao na kasintaas ng kisame sa inyong bahay, ano kaya ang iisipin mo? Tiyak na ang taong iyon ay isang higante! Noong araw ay talagang may mga higante sa lupa. Saan sila galing?

Salbaheng mga higante

Alam mo, ang masamang anghel na si Satanas ay nagsisikap din na gawing masama ang ibang anghel. Sa katagalan, ang ilan sa mga anghel na itoay nakinig din kay Satanas. Nanaog sila sa lupa at nagbihis ng mga katawang-tao. Alam mo ba kung bakit?

Sinasabi ng Bibliya na ang dahilan ay ang magagandang babae sa lupa na nakita nila at gusto nilang mapangasawa. Sinasabi ng Bibliya na maling-mali ito, kasi ang mga anghel ay ginawa ng Diyos para tumira sa langit.

Nang ang mga anghel at ang kanilang mga asawa aymagkaanak, ibang-iba ang mga anak na ito. Habang lumalaki, tumaas sila nang tumaas hanggang sa sila’y maging mga higante.

Masasama ang mga higanteng iyon. At dahil sa napakalaki at napakataas nila, sinaktan nila ang mga tao. Pinilit nila ang lahat na magpakasama gaya din nila.

Patay na noon si Enoc, pero may isang tao sa lupa na nanatiling mabuti. Ang pangalan ng taong ito ay Noe. Lagi niyang ginagawa kung ano ang iniuutos sa kaniya ng Diyos.

Isang araw sinabi ng Diyos kay Noe na papatayin niya ang lahat ng masasama. Pero ililigtas ng Diyos si Noe, ang kaniyang pamilya at maraming mga hayop. Tingnan natin kung papaano ito ginawa ng Diyos.

Genesis 6:1-8; Judas 6



Mga Tanong

  • Ano ang nangyari nang makinig kay Satanas ang ilang anghel ng Diyos?
  • Bakit nanaog sa lupa ang ilang anghel?
  • Bakit maling-mali para sa mga anghel na manaog sa lupa at magbihis ng katawang-tao?
  • Bakit ibang-iba ang mga anak ng mga anghel?
  • Gaya ng makikita mo sa larawan, ano ang ginawa ng mga anak ng mga anghel nang sila’y maging mga higante?
  • Pagkatapos ni Enoc, sino ang sumunod na mabuting taong nabuhay sa lupa, at bakit siya gusto ng Diyos?

Karagdagang mga tanong