Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 6: Isang Mabuting Anak, at Isang Masama

Kuwento 6: Isang Mabuting Anak, at Isang Masama

TINGNAN mo ngayon sina Cain at Abel. Malalaki na sila. Si Cain ay naging magsasaka. Nagtatanim siya ng prutas at gulay. Si Abel ay naging pastol ng mga tupa.

Sina Cain at Abel habang naghahandog ng hain sa Diyos

Isang araw, sina Cain at Abel ay naghandog sa Diyos. Nagdala si Cain ng kaniyang pananim. At dinala ni Abel ang pinakamataba sa kaniyang mga tupa. Natuwa si Jehova kay Abel at sa kaniyang handog. Pero hindi siya natuwa kay Cain at sa handog nito. Alam mo ba kung bakit?

Hindi dahil sa ang handog ni Abel ay mas mabuti kaysa kay Cain. Kasi mabait si Abel. Mahal niya si Jehova at ang kapatid niya. Pero si Cain ay masama; hindi niya mahal ang kapatid niya.

Sinabi ng Diyos kay Cain na dapat siyang magbago. Pero galit-na-galit si Cain kasi mas mahal ng Diyos si Abel. Kaya nang dadalawa lang sila sa bukid, hinampas ni Cain si Abel nang ubod-lakas kaya’t ito’y namatay. Hindi ba napakasama nito?

Naaala-ala pa rin ng Diyos si Abel, kahit patay na ito. Hindi nalilimutan ni Jehova ang mabubuting taong gaya ni Abel. Darating ang araw na bubuhayin uli ni Jehova si Abel. Kaya si Abel ay hindi na uli mamamatay. Hindi ba napakainam na makilala ang mga taong gaya ni Abel?

Tumakas si Cain matapos niyang patayin si Abel

Pero hindi natutuwa ang Diyos sa mga gaya ni Cain. Kaya nang patayin ni Cain ang kapatid niya, siya ay pinarusahan ng Diyos. Pinalayas siya sa kaniyang pamilya. Isinama ni Cain ang isa sa kaniyang mga kapatid na babae, at ito ay naging asawa niya.

Nang maglaon ang ibang mga anak na lalaki at babae nina Adan at Eba ay nag-asawa din at nagkaanak. Kaya hindi nagtagal at dumami ang tao sa lupa. Alamin natin kung sino ang ilan sa kanila.

Genesis 4:2-26; 1 Juan 3:11, 12; Juan 11:25



Mga Tanong

  • Ano ang trabaho nina Cain at Abel?
  • Anong mga handog ang dinadala nina Cain at Abel kay Jehova?
  • Bakit natuwa si Jehova sa handog ni Abel, at bakit hindi siya natuwa sa handog ni Cain?
  • Anong uri ng tao si Cain, at paano sinikap ni Jehova na ituwid siya?
  • Ano ang ginawa ni Cain nang dadalawa lang silang magkapatid sa bukid?
  • Ipaliwanag ang nangyari kay Cain pagkatapos niyang patayin ang kaniyang kapatid.

Karagdagang mga tanong

Higit Pang Impormasyon

Ano ang Matututuhan Natin Kina Cain at Abel?

I-print ang activity na ito, basahin ang mga talata sa Bibliya, at isulat ang sinasabi ng mga karakter.

Abel—“Bagaman Namatay Siya, ay Nagsasalita Pa”

Ano ang matututuhan natin kay Abel at sa kaniyang pananampalataya kahit kaunti lang ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa kaniya?