Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

Kuwento 5: Nagsimula ang Paghihirap

Kuwento 5: Nagsimula ang Paghihirap

SA LABAS ng hardin ng Eden, kinailangan nina Adan at Eba na magtrabaho nang mabigat para sila makakain. Imbes na masasarap na prutas, puro tinik at dawag ang kanilang nakita. Kasi sina Adan at Eba ay sumuway sa Diyos kaya hindi na niya sila kaibigan.

Nagtatrabaho nang mabigat si Adan pati ang kaniyang anak

Pero mas masama pa kaysa rito, sina Adan at Eba ay nakatakdang mamatay. Hindi ba sinabi ng Diyos na mamamatay sila kapag kinain nila ang bunga ng isang punongkahoy? Kaya, nang araw na kumain sila, nagsimula na silang mamatay.

Lahat ng mga anak nina Adan at Eba ay isinilang pagkatapos na palayasin sila ng Diyos sa hardin ng Eden. Nangangahulugan ito na ang kanilang magiging mga anak ay tatanda rin at mamamatay.

Kung sumunod lang sina Adan at Eba kay Jehova, maligaya sana ang buhay nila at ng kanilang mga anak. Wala sanang tatanda, magkakasakit at mamamatay.

Gusto ng Diyos na ang tao ay lumigaya, at nangangako siya na darating ang araw na ganito nga ang mangyayari. Lahat ay magiging kaibigan ng Diyos. At ang buong lupa ay magiging magandang-maganda.

Si Eba at ang kaniyang mga anak

Pero si Eba ay hindi na kaibigan ng Diyos. Kaya masyado siyang nahirapan sa panganganak. Talagang mahihirapan ang isa kapag sumuway siya sa Diyos, hindi ba?

Sina Adan at Eba ay nagkaroon ng maraming anak. Ang panganay nilang anak na lalaki ay nagngangalang Cain. Ang ikalawang anak na lalaki ay si Abel. Alam mo ba kung ano ang nangyari sa kanila?

Genesis 3:16-23; 4:1, 2; Apocalipsis 21:3, 4



Mga Tanong

  • Ano ang naging buhay nina Adan at Eba sa labas ng hardin ng Eden?
  • Ano na ang nagsimulang mangyari kina Adan at Eba, at bakit?
  • Bakit tatanda at mamamatay ang mga anak nina Adan at Eba?
  • Kung sumunod sina Adan at Eba kay Jehova, ano sana ang magiging buhay nila at ng kanilang mga anak?
  • Paano nahirapan si Eba dahil sa kaniyang pagsuway?
  • Ano ang pangalan ng unang dalawang anak na lalaki nina Adan at Eba?
  • Sino ang iba pang mga bata sa larawan?

Karagdagang mga tanong