Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2017 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 GEORGIA

Hindi Hadlang sa Pag-ibig ang Gawang-Taong mga Hangganan

Hindi Hadlang sa Pag-ibig ang Gawang-Taong mga Hangganan

BAGO pa isilang si Sanel, sinabi na ng mga doktor sa mga magulang niya na kung mabubuhay siya, magkakaroon siya ng malulubhang sakit. Pagkasilang niya, kailangan siyang operahan. Ang mga magulang niya, na nakatira sa Abkhazia—isang rehiyon na nagdeklara ng kalayaan mula sa Georgia—ay walang makitang siruhano na mag-oopera kay Sanel nang walang pagsasalin ng dugo.

Kinontak ng mga magulang ang Hospital Liaison Committee (HLC) roon. * Nakahinga sila nang maluwag nang makakita agad ang mga brother sa HLC ng siruhano sa Tbilisi, ang kabisera ng Georgia. Pero hindi pa lubusang nakaka-recover sa panganganak ang nanay ni Sanel at hindi pa siya makapagbibiyahe. Kaya napagpasiyahang ang mga lola ni Sanel, na parehong Saksi, ang magdadala sa sanggol sa ospital sa Tbilisi.

Naging matagumpay ang maselang operasyon. Pagkatapos, sumulat ang mga lola: “Nanatili kami sa ospital nang mahigit 20 araw. Noong panahong iyon, dinalaw kami at tinulungan ng maraming kapatid sa Georgia. Marami ang dumamay sa amin. Nababasa lang namin dati ang tungkol sa pag-ibig na ipinakikita ng ating kapatiran, pero ngayon, talagang personal na namin itong naranasan.”

^ par. 4 Sa Georgia, ang mga elder sa mga HLC ay may kontak sa mahigit 250 siruhano na sumasang-ayong mag-opera nang walang pagsasalin ng dugo.