Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON

Mga Sangay na Inialay

Mga Sangay na Inialay

“MASAYANG-MASAYA ako,” ang sabi ng isang sister tungkol sa programa ng pag-aalay ng sangay sa Madagascar, na ginanap noong Sabado, Enero 24, 2015. Siya at ang 583 dumalo ay sabik na makita ang bagong 19-na-kuwartong tirahan, pati na ang pinalaking dining room at inayos na kusina. Gumawa ng mga bagong opisina para sa mga departamento ng Service, Accounting, at Local/Design Construction. May mga bagong studio para sa mga departamento ng Audio/Video at Sign Language. Nagkaroon din ng Braille Transcription Department. Matapos marinig ang repaso tungkol sa kasaysayan ng pangangaral sa Madagascar, ang mga bisita ay napatibay ng pahayag sa pag-aalay na binigkas ni Mark Sanderson, miyembro ng Lupong Tagapamahala.

Bagong 19-na-kuwartong tirahan sa sangay sa Madagascar

 Nakahinga nang maluwag ang bayan ni Jehova sa Jakarta, Indonesia, nang humupa ang baha sa lunsod bago ang araw ng pag-aalay ng bagong mga pasilidad ng sangay noong Pebrero 14, 2015. Isang palapag ang okupado ngayon ng sangay sa 42-palapag na office tower at 12 palapag naman sa kalapit na apartment. Ang ilang departamento sa Bethel ay nasa kalapit na mga gusali. Si Anthony Morris, miyembro ng Lupong Tagapamahala, ang nagbigay ng pahayag sa pag-aalay. Kinabukasan, 15,257 ang nagtipon sa soccer stadium para makinig sa kaniyang pahayag na may paksang “Patuloy na Magbata sa Gawang Mabuti.” Nakakonekta ang programa sa 41 lokasyon na dinaluhan ng 11,189, ang pinakamalaking pagtitipon na ginanap kailanman ng bayan ni Jehova sa Indonesia. Sinabi ni Ronald Jacka, isa sa mga unang misyonero sa Indonesia: “Nang dumating ako rito noong 1951, may 26 na mamamahayag lang sa buong bansa. Pero ngayon, mahigit 26,000 ang dumalo sa espesyal na programang ito. Talagang pinagpala ni Jehova ang kaniyang bayan sa Indonesia!”