Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 INDONESIA

Kalakalan ng Pampalasa

Kalakalan ng Pampalasa

NOONG ika-16 na siglo, pinalakas ng kalakalan ng pampalasa ang ekonomiya ng daigdig, gaya ng kalakalan ng langis sa ngayon. Napakamahal noon sa Europa ng mga pampalasang gaya ng nutmeg at clove, na galing sa kilaláng Spice Islands (ngayo’y mga probinsiya ng Maluku at North Maluku sa Indonesia).

Ang mga manggagalugad na sina Christopher Columbus, Vasco da Gama, Ferdinand Magellan, Samuel de Champlain, at Henry Hudson ay naghanap ng mga ruta papunta sa Spice Islands. Dahil sa panggagalugad para sa mga pampalasa ng Indonesia, malawakang naintindihan ng mga tao sa unang pagkakataon ang heograpiya ng daigdig.