Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 INDONESIA

50 Taóng Special Pioneer

Alisten Lumare

50 Taóng Special Pioneer
  • ISINILANG 1927

  • NABAUTISMUHAN 1962

  • Dating police inspector na naglingkod nang mahigit 50 taon bilang special pioneer.

NOONG 1964, inatasan ako bilang special pioneer sa Manokwari, West Papua. Isang maliit na kongregasyon doon ang matinding sinasalansang ng klero. Pagkarating ko, isang ministrong Protestante ang agad na sumugod sa bahay ko.

“Sisirain ko ang bahay na ’to at palalayasin ko sa Manokwari ang mga Saksi ni Jehova,” ang bulyaw niya.

Dahil dati akong pulis, hindi ako natakot sa kaniya. Kalmado akong sumagot at di-nagtagal, mahinahon siyang umalis.—1 Ped. 3:15.

Walo lang ang mamamahayag noon sa Manokwari. Ngayon, makalipas ang mga 50 taon, may pitong kongregasyon na roon. Noong 2014, mahigit 1,200 ang dumalo sa kombensiyon. Masayang-masaya ako kapag nakikita ko ang mga ginawa ni Jehova sa rehiyong ito.

Higit Pang Impormasyon

SINO ANG GUMAGAWA NG KALOOBAN NI JEHOVA NGAYON?

Ano ang Isang Payunir?

Sa loob ng isang buwan, ang ilang Saksi ni Jehova ay gumugugol ng 30 o 50 oras o higit pa rito sa pangangaral. Bakit nila ito ginagawa?

KARANIWANG MGA TANONG

Bakit Nagbabahay-bahay ang mga Saksi ni Jehova?

Alamin kung ano ang iniutos ni Jesus sa pinakauna niyang mga alagad.