Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2016 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON

Ang Liwanag ay Patuloy na Lumiliwanag

Ang Liwanag ay Patuloy na Lumiliwanag

KINIKILALA ng tunay na mga mananamba si Jehova bilang ang Pinagmumulan ng espirituwal na liwanag. Kaya matiyaga silang nananalangin na akayin at patnubayan sila ng ‘liwanag at katotohanan’ ng Diyos. (Awit 43:3) Habang ang sanlibutan ay nababalot ng espirituwal na kadiliman, patuloy namang pinasisikat ng tunay na Diyos ang liwanag sa kaniyang bayan. Bilang resulta, ang kanilang landas ay “tulad ng maningning na liwanag na lumiliwanag nang lumiliwanag.” (Kaw. 4:18) Patuloy na pinasisikat sa kanila ni Jehova ang liwanag may kinalaman sa organisasyon, turo, at moral. Ano ang ilan sa ating mga paniniwala na nilinaw nitong nakalipas na mga taon?