Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON

Pag-aalay ng Sangay sa Sri Lanka

Pag-aalay ng Sangay sa Sri Lanka

MAINIT na tinanggap ng mga kapatid na nakatradisyonal na kasuutan ang 130 delegado mula sa 19 na bansa na dadalo sa pag-aalay ng sangay sa magandang islang ito, ang Sri Lanka. Kumanta ang isang grupo ng mga bata ng mga awiting pang-Kaharian. Nagustuhan ng lahat ang mga nakawiwiling displey, masasarap na pagkain, at magagandang musika, pati na ang mainit na pagsasamahang Kristiyano.

Ang bagong-tayô at ang ni-renovate na mga pasilidad ng sangay ay parehong inialay kay Jehova noong Sabado, Enero 11, 2014, at 893 ang matamang nakinig sa programang ipinahayag sa tatlong wika. Halos di-mapatid ang palakpakan nang magtanong si Mark Sanderson ng Lupong Tagapamahala, “Gusto n’yo bang ialay ang mga bagong pasilidad na ito sa Diyos na Jehova?”

 Kinabukasan, 7,701 ang nasiyahan sa repaso sa programa noong Sabado at sa nakapagpapatibay na pahayag ni Brother Sanderson. Limang malalaking venue sa buong bansa ang naka-hook-up. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng video streaming sa lahat ng venue. Dahil diyan, kahit nasa iba’t ibang lugar sa isla ang mga kapatid, nakikita nila at naririnig ang isa’t isa habang kumakanta sila ng mga awiting pang-Kaharian. Tiyak na nagdulot ng “malaking kagalakan” ang makasaysayang okasyong ito.Neh. 12:43.