Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 TAMPOK NA MGA PANGYAYARI NOONG NAKARAANG TAON

Ang Pinakamalaking Pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova

Ang Pinakamalaking Pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova

NOONG Oktubre 5, 2013, araw ng Sabado, 257,294 mula sa 21 lupain ang dumalo—nang personal o sa pamamagitan ng live Webcast—sa ika-129 na taunang miting ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania. Nang linggo ring iyon, pinanood naman ng iba pang grupo ng mga Saksi ang replay ng programa. Lahat-lahat, ang dumalo ay 1,413,676 mula sa 31 lupain—ang pinakamalaking pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova.

Mula 1922, nakapagbrodkast na ang mga Saksi ni Jehova ng mga kombensiyon sa iba’t ibang bansa gamit ang mga linya ng telepono at mga istasyon ng radyo. Sa ngayon, dahil sa Internet, naririnig na at napapanood kahit  sa mga liblib na lugar ang mga kaganapan habang nangyayari ito o pagkatapos na pagkatapos nito.

Mahigit isang taóng binuo ng mga miyembro ng ilang tanggapang pansangay ang Webcast. Noong dulo ng sanlinggong iyon na ginamit ang Webcast, 24 na oras na sinubaybayan ng mga teknisyan ang programa mula sa control center sa Brooklyn, New York habang ipinalalabas ito sa mga lugar sa 15 time zone.