Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2015 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 DOMINICAN REPUBLIC

Gusto Ko Nang Tumigil sa Paglilingkod sa Diyos

Martín Paredes

Gusto Ko Nang Tumigil sa Paglilingkod sa Diyos
  • ISINILANG 1976

  • NABAUTISMUHAN 1991

  • Magpapari sana si Martín, pero nalaman niya ang katotohanan. Mula noon, marami na siyang natulungang maging tunay na mananamba.

LUMAKI ako sa isang napakarelihiyosong pamilyang Katoliko, at gusto nila akong maging pari. Kaya noong 12 anyos ako, tatlong kurso ang kinuha ko at iba’t ibang pari ang nagturo sa akin. Pagkatapos, noong 1990, nang 14 anyos ako, inanyayahan ako sa isa sa pinakamahuhusay na seminaryo sa bansa.

Mabilis ang pagsulong ko, at kung magsusumikap pa raw ako, maaari akong maging obispo. Pero nadismaya ako. Sa halip na Bibliya, pilosopiya ng tao ang pinag-aralan namin. Isa pa, napakaimoral ng mga pari. At nang makaranas ako ng seksuwal na pambabastos, gusto ko nang tumigil sa paglilingkod sa Diyos.

Nang panahong iyon, isang mag-asawang misyonero ang dumalaw sa accountant ng seminaryo namin, at nagbigay sa kaniya ng aklat na Ang mga Tanong ng mga KabataanMga Sagot na Lumulutas. Hiniram ko ito at binasa nang buo. Sinabi ko sa sarili ko, ‘Ito talaga ang hinahanap ko.’ Iniwan ko ang  seminaryo, at nagsimula akong makipag-aral sa mga Saksi at dumalo sa mga pulong. Pagkaraan ng walong buwan, noong Hulyo 1991, nabautismuhan ako. Nag-regular pioneer ako, at nang maglao’y ikinasal kami ni María, isang sister na payunir. Mula noong 2006, naglilingkod na kami bilang mga special pioneer. Imbes na tumigil sa paglilingkod sa Diyos, gustong-gusto ko na ngayong tulungan ang mga taong uháw sa katotohanan na maging mga tunay na mananamba niya.