Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

2014 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova

 SIERRA LEONE AT GUINEA

Mga Lihim na Samahan

Mga Lihim na Samahan

ANG mga lihim na samahan ay laganap sa buong Kanlurang Aprika at walang pinipiling tribo, kultura, at wika. Kinokontrol ng mga organisasyong ito ang mga gawaing panlipunan, pang-edukasyon, at pampulitika ng kanilang mga miyembro. Pero ang pangunahin nilang papel ay panrelihiyon. Ang dalawa sa pinakamalalaking lihim na samahan ay Poro (para sa mga lalaki) at Sande (para sa mga babae). * Ang samahang Poro, bilang halimbawa, ay nagsisikap na “kontrolin ang mga espiritu at tiyakin na nakatutulong ang kanilang pakikialam sa mga gawain ng tao.”Initiation, 1986.

Ang mga bagong miyembro ng Poro ay tinuturuan ng pangkukulam at ng mga lihim tungkol sa mundo ng mga espiritu. Dumaraan sila sa ritwal kung saan sinusugatan ang kanilang mga katawan. Ang mga bagong miyembro ng Sande ay tinuturuan din ng mga espiritistikong ritwal at karaniwang sumasailalim sa female genital mutilation, o pagsira sa ari ng babae, bagaman hindi na ito isinasagawa sa ilang lugar.

Kinokontrol naman ng ibang mga lihim na samahan ang seksuwal na gawain ng kanilang mga miyembro, at gumagamit sila ng espiritistikong mga panggagamot para sa pagkabaliw at iba pang sakit. Noong panahon ng digmaang sibil sa Sierra Leone, isang lihim na samahan ang nagsabi na hindi tinatablan ng bala ang kanilang mga miyembro. Pero siyempre, hindi naman iyon totoo.

Pinagbabawalan ang mga miyembro na sabihin sa iba ang kaalaman at mga ritwal ng grupo. Ang sinumang lalabag sa mga batas at protokol ng lihim na samahan ay papatayin.

^ par. 3 Sa ilang lugar, ang Sande ay kilala bilang Bondo.