Kung Paano Ginagamit ng JW Library ang Personal Data Mo
May ilang mahahalagang data na kailangang mai-transfer sa pagitan namin at ng gadyet mo para gumana ang app. Walang ibebenta sa mga data na ito o gagamitin para sa negosyo. Ini-store din ng app sa gadyet mo ang mga data na inilagay mo habang ginagamit mo ang app. Nahahati sa tatlong kategorya ang paggamit ng JW Library sa mga data mo:
Data Mula sa Website
Gumagana ang JW Library sa pamamagitan ng pag-download ng mga data mula sa website na jw.org. Kasama sa mga data na ito ang listahan ng available na mga content at mga content mismo. Dahil dito, makakakuha ka ng updated na content. Hindi nagpapadala ang app ng mga impormasyon tungkol sa iyo o sa gadyet mo kapag nagda-download ng mga data na ito sa website.
Kapag nagda-download ang app ng data sa jw.org, may access ang website sa IP address mo gaya ng karaniwan na sa pagda-download sa Internet. Hindi ginagamit ang IP address na ito para makilala o ma-track ang isang indibidwal. Pero makakatulong ito para maprotektahan ang seguridad ng app at ng website. Makikita sa Privacy Policy ng jw.org ang higit pang impormasyon sa kung paano ginagamit ng website ang mga data.
Maihihinto mo ang mga request sa jw.org kung isi-set mo sa “offline mode” ang app. Pero kapag ginawa mo ito, mababawasan ang mga puwede mong gawin sa app.
Mga Personal Setting at Data
Puwede kang mag-save ng personal setting mo at data sa JW Library. Halimbawa, puwede kang mag-highlight ng content, gumawa ng mga personal na nota at playlist, pumili ng pangunahing Bibliya na ginagamit, at pumili ng mga item na ilalagay sa favorites. Naka-store ang mga data na ito sa app at hindi ipinapadala sa amin. Pero puwede mong i-export ang data mo at gumawa ng sariling backup.
Sini-save din ng app ang ilang setting at ang ilan sa madalas mong ginagawa. Halimbawa, sini-save nito ang huli mong pinili o ginamit na mga publikasyon, video, wika, kulay ng pang-highlight, hinanap sa search box, at resolution ng video kapag naka-stream. Nakakatulong ito sa app para maibigay ang setting na gusto mo.
Opsiyonal na Diagnostic Data at Usage Data
Nagbibigay din ang app ng opsiyon na mai-share mo sa amin ang ilang diagnostic at usage data. Nakakatulong ang data na ito sa amin para mapanatiling gumagana nang maayos ang app. Walang ibebenta sa mga data na ito o gagamitin para sa negosyo. Puwede mong i-adjust sa Settings ng app kung pahihintulutan mong mag-share ito ng data o hindi.
Kapag nai-share sa amin ang diagnostic at usage data, kasama sa naipapadala ang unique identifier noong na-install ang app. Ang identifier na ito ay hindi konektado sa iyo, at hindi posible sa amin na ma-trace ang isang indibidwal gamit ito. Puwede mong ma-reset ang identifier na ito anumang oras sa pamamagitan ng pag-delete at pag-install ng app sa gadyet mo.

