Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

Patakaran sa Privacy

Patakaran sa Privacy

Personal na Impormasyon

Ang personal na impormasyon na isinumite ng user sa website na ito ay ginagamit ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc., o ng mga kasama nitong organisasyon tangi lamang sa layuning binanggit nang isumite niya ito. Hindi ibibigay ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc., ang iyong personal na impormasyon sa kaninuman malibang kailangan para mailaan ang serbisyong hinihiling ng user at lubos itong ipinaalam sa user o sa tingin nito ay kailangan itong gawin bilang pagsunod sa batas o regulasyon o para madetek at maiwasan ang pandaraya o mga isyu sa seguridad o teknikal na bagay. Ang anumang isinumiteng personal na impormasyon ay hindi ipagbibili, ikakalakal, o ipaaarkila sa ilalim ng anumang kalagayan.

E-mail Address

Ang e-mail address na ibinigay mo nang gumawa ka ng account sa website na ito ay gagamitin sa pagkontak sa iyo hinggil sa iyong account. Halimbawa, kung nakalimutan mo ang iyong user name o password at gusto mong magpatulong sa pag-log in, ang tulong ay ipadadala sa e-mail address na nakalagay sa iyong user profile.

Cookies

Ang cookies ay ginagamit para matandaan ang mga preference ng user ng site. Halimbawa, ang wikang gusto ng user sa site ay nakaimbak sa cookies para ito ang awtomatikong maging wika kapag bumalik sa site ang user. Walang personal na impormasyon ang inilalagay sa cookies.

Active Scripting o JavaScript

Ang scripting ay ginagamit para magamit nang mas mabisa ang site. Sa tulong ng teknolohiyang ito, mabilis na naipoproseso ng site ang impormasyong kailangan ng user. Ang scripting ay hindi ginagamit ng site para mag-install ng software sa computer ng user o kumuha ng impormasyon sa user nang walang pahintulot.

Ang active scripting o JavaScript ay dapat i-enable sa browser para gumana ang ilang bahagi ng site. Sa karamihan ng mga browser, puwedeng i-enable o i-disable ang feature na ito para sa espesipikong mga site. Tingnan ang tab na “Help” sa browser para malaman kung paano i-enable ang scripting para sa pilíng mga site.

Sakali mang kailanganin naming baguhin ang patakaran sa privacy, ipo-post namin ang mga pagbabago sa Web page na ito para malaman ninyo ang impormasyong kinokolekta namin at kung paano namin ito ginagamit.