Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

JW.ORG WEBSITE

Manood ng Video sa JW.ORG

Manood ng Video sa JW.ORG

Panoorin ang isang video o ang lahat ng video sa isang koleksiyon. I-pause, i-rewind, o i-fast-forward.

 Hanapin at I-play ang Isang Video

Magpunta sa LIBRARY > VIDEO para makita ang lahat ng video, kasama na ang mga video sa JW Broadcasting.

Pumili ng isang kategorya ng video.

Sa isang kategorya, may heading ang bawat koleksiyon. Para makita ang mga video sa isang koleksiyon, mag-scroll pakaliwa o pakanan sa koleksiyon o i-click ang Tingnan Lahat.

Panoorin o i-share ang isang video gamit ang sumusunod:

  • I-click ang I-play sa video player.

  • I-click ang I-download para ma-save ang video sa computer o gadyet mo. (Note: May ilang gadyet na gumagamit ng ibang application para maka-download ng file. Kung may JW Library sa gadyet mo, gamitin mo ito kung gusto mong mag-download ng video at mapanood ito kahit walang Internet.)

  • I-click ang I-share para maipasa sa iba ang link ng video. Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “I-share ang Link ng Artikulo, Video, o Publikasyon.”

  • Para mapanood ang video sa ibang wika, piliin ang gusto mong wika mula sa drop-down list ng Wika na katabi ng pamagat ng video.

 I-play ang Lahat ng Video sa Isang Kategorya o sa Isang Koleksiyon

I-click ang I-shuffle sa isang kategorya ng video para mag-play nang random ang lahat ng video sa isang kategorya.

May dalawang paraan para mapanood ang lahat ng video sa isang koleksiyon:

  • I-click ang I-play Lahat na nasa gilid ng isang koleksiyon ng video para mag-play ang lahat ng video sa koleksiyon depende sa pagkakasunod-sunod nito.

  • I-click ang I-shuffle na nasa gilid ng isang koleksiyon ng video para mag-play nang random ang lahat ng video sa isang koleksiyon.

Note: Hihinto ang pag-play ng video kapag nai-play na ang lahat ng video sa kategorya o koleksiyon.

 Kontrolin ang Video Playback

Kontrolin ang video playback gamit ang sumusunod:

  • I-click ang Gawing full-screen sa video-player bar para maging full-screen ang video at i-click ulit ito para bumalik sa dati.

  • I-click ang I-pause para huminto ang video.

  • I-click ang I-play para ituloy ang video.

  • I-drag ang Playhead paabante o paatras para makapunta sa ibang bahagi ng video.

  • I-click ang Volume at i-drag ito para ma-adjust ang volume. Sa mga gadyet, puwedeng ma-adjust ang volume gamit ang audio button.

 Baguhin ang Video Setting

I-click ang Setting at piliin ang gusto mong screen resolution. (Note: Hindi ito gagana sa lahat ng browser.)

Ano ang ibig sabihin ng mga numerong ito? Mas mataas ang numero, mas maganda ang quality ng video pero mas mabilis na koneksiyon ng Internet ang kailangan. Pumili ng screen resolution na babagay sa bilis ng Internet mo, laki ng screen, at budget mo.

Ito ang ibig sabihin ng bawat resolution ng video:

Resolution

Ibig sabihin

240p

Pinakamababang quality. Babagay sa maliliit na gadyet.

360p

Mababang quality. Babagay sa maliliit na gadyet.

480p

Mataas na quality. Babagay sa mga tablet, computer, at standard-definition TV.

720p

Pinakamataas na quality o high definition (HD). Babagay sa computer na may 1024 x 768 screen resolution o HDTV na may 1280 x 720 screen resolution.

Bakit pinapalitan ang resolution ng video? Kapag mabagal ang koneksiyon ng Internet at madalas humihinto at paputol-putol ang video, mas maganda kung mababang resolution ang gamitin. Gumamit ng pinakamataas na resolution na babagay sa computer o gadyet mo. Puwede mo ring piliin ang mas mababang resolution kung nagtitipid ka ng Internet data.

I-click ang Subtitle para lumitaw ang subtitle o itago ito.

Note: Hindi lahat ng video ay may subtitle.