Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

JW.ORG WEBSITE

I-navigate ang JW.ORG sa Mobile Device

I-navigate ang JW.ORG sa Mobile Device

Lahat ng web page at mga feature na available sa isang full-size computer screen ay available din sa smartphone o tablet. Pero iba ang pagkakaayos ng menu at screen pagdating sa mobile device para mas magamit mo ang mga feature. Makakatulong ang mga tip sa artikulong ito para makita mo ang mga kailangan mo sa jw.org.

 Gamitin ang mga Mobile Navigation Menu

Sa isang full-size screen, ang mga pangunahing seksiyon ay nakadispley nang pahalang sa itaas at ang second-level menu naman ay nakadispley nang patayo sa kaliwa.

Pero sa screen ng isang mobile device, lahat ng navigation menu ay nakadispley nang patayo. Naka-hide din ang menu kapag hindi ginagamit para mas malaking espasyo ng screen ang magamit sa pag-navigate ng web.

  • I-click ang Menu para itago o ipakita ang mga navigation menu. I-click ang pangalan ng isang seksiyon para makapunta sa landing page ng seksiyong iyon.

  • I-click ang Ipakita ang Listahan para makita ang second-level menu option ng isang seksiyon. I-click ang pangalan ng menu option para makapunta sa landing page ng opsyong iyon.

  • I-click ang Itago ang Listahan para itago ang second-level menu option ng isang seksiyon.

  • I-click ang JW.ORG para makabalik sa home page.

  • I-click ang Language Picker para makita ang listahan ng available na mga wika.

  • I-click ang Maghanap para makita ang nilalaman gamit ang Site Search feature.

 I-navigate ang mga Artikulo o Kabanata ng Isang Publikasyon

Sa full-size screen, ang talaan ng mga nilalaman ay laging nakalabas habang binabasa mo ang isang artikulo o kabanata ng publikasyon. Pero sa screen ng mobile device, naka-hide ang talaan ng mga nilalaman.

  • I-click ang Ipakita ang Listahan para makita ang talaan ng mga nilalaman. I-click ang pamagat para makita ang nilalaman ng artikulo o kabanatang iyon.

  • I-click ang Nauna para idispley ang naunang artikulo o kabanata.

  • I-click ang Susunod para idispley ang kasunod na artikulo o kabanata.

  • I-click ang Itago ang Listahan para itago ang talaan ng mga nilalaman at ipagpatuloy ang pagbabasa sa kasalukuyang artikulo o kabanata.

 I-navigate ang Bibliya Online

Magpunta sa PUBLIKASYON > BIBLIYA at i-click ang Basahin Online. O kaya’y i-click sa home page ang link na Basahin ang Bibliya Online.

Sa Bible Navigation Bar, pumili ng aklat at kabanata ng Bibliya mula sa drop-down list at i-click ang Hanapin.

Habang ini-scroll mo ang kabanata, ang Bible Navigation Bar ay nananatiling naka-pin sa Menu Bar para madali kang makapunta sa ibang kabanata.

  • I-click ang Unpin para alisin ang Bible Navigation Bar mula sa Menu Bar. Mas magagamit mo ang screen para sa nilalaman ng Bibliya. Para makapunta sa ibang kabanata, kailangan mo munang i-scroll ang itaas o ibaba ng kasalukuyang pahina.

  • I-click ang Pin para manatili ang Bible Navigation Bar sa Menu Bar.

  • I-click ang Ipakita ang Listahan para makita ang talaan ng mga nilalaman ng Bibliya, pati na ang introduksiyon at mga apendise.

  • I-click ang Nauna para idispley ang naunang kabanata.

  • I-click ang Susunod para idispley ang kasunod na kabanata.

  • I-click ang Itago ang Listahan para itago ang talaan ng mga nilalaman ng Bibliya.

 Makinig sa Audio Track ng Isang Artikulo

Kung may available na audio track para sa artikulong binabasa mo, ididispley iyon sa Audio Bar.

  • I-click ang Play para patugtugin ang audio track.

  • I-click ang Pause para pahintuin ang audio. Pindutin ang Play para patugtugin uli ang audio track.

  • I-drag ang audio pointer paabante o paatras para makapunta sa ibang bahagi ng audio track.

Habang tumutugtog ang audio track, puwede mong i-scroll pababa ang artikulo. Mananatiling naka-pin sa Menu Bar ang Audio Bar para mai-pause o mapatugtog mo uli ang audio nang hindi ka nawawala sa binabasa mong artikulo.