Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

JW.ORG WEBSITE

Hanapin ang Nilalaman sa Sign Language

Hanapin ang Nilalaman sa Sign Language

Karamihan sa nilalaman ng sign language ay mga video. May ilang sign language na may naisalin nang ilang bahagi ng jw.org, kasama ang home page. Ang ibang sign language naman ay hindi pa nakapagsalin ng site, pero may available na video book, magasin, at iba pang publikasyon sa seksiyong PUBLIKASYON.

Gamitin ang isa sa sumusunod na paraan para hanapin ang nilalaman sa sign language:

 Pumili ng Sign Language

  • Paraan 1: I-click ang Language Picker para makita ang kumpletong listahan ng mga wikang available sa jw.org.

  • I-check ang Display Sign Languages Only para mga sign language lang ang makita sa listahan.

    Puwede ring i-type ang pangalan ng sign language sa text box. Lalabas ang mga wikang magma-match sa itina-type mo.

  • Paraan 2: I-click ang link ng “Mga Sign-Language Video” sa home page. Pumili ng sign language sa listahan.

Kung ang site ay naisalin na sa sign language na napili mo, iyon ang magiging wika ng site.

Madaling malaman na sign language ang isang site dahil may icon ang bawat menu. Lumalarawan ang bawat icon sa isang seksiyon sa site.

Sa seksiyong PUBLIKASYON, ang ilang menu option ay may mga terminong iba sa site ng wikang sinasalita. Halimbawa, sa mga sign-language site, ang MUSIC ay tinatawag na SONGS.

Gamitin ang menu para mapuntahan ang hinahanap mo. I-play o i-download ang mga sign-language video.

Magpunta sa Seksiyong PUBLIKASYON

 Magpunta sa PUBLIKASYON > TAMPOK NA MGA PUBLIKASYON.

Pumili ng sign language sa drop-down list. Dahil daan-daang wika ang makikita sa listahan, makakatulong kung iki-click mo ang drop-down list at ita-type ang pangalan ng wika. Lalabas ang mga wikang magma-match sa itina-type mo.

Kung kaunti lang ang publikasyon sa sign language na napili mo, lahat ng iyon ay makikita sa TAMPOK NA MGA PUBLIKASYON. Pero kung maraming publikasyon ang available sa sign language na napili mo, may makikita kang ilan sa mga ito sa TAMPOK NA MGA PUBLIKASYON. Para sa iba pang available na item sa sign language, magpunta sa mga uri ng publikasyon (halimbawa, BIBLIYA, MAGASIN, AKLAT AT BROSYUR).

Gamitin ang JW Library Sign Language App

Magandang opsyon ang JW Library Sign Language app kung:

  •   lagi kang gumagamit ng mga sign-language video.

  • magagamit mo ang mga video sa iyong mobile device kapag hindi ka nakakonek sa Internet.

  • available ang app na iyon sa sign language na ginagamit mo.

Para sa higit pang detalye, magpunta sa help page ng JW Library Sign Language.