Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

JW.ORG WEBSITE

Hanapin ang Publikasyon

Hanapin ang Publikasyon

Daan-daang digital, audio, at video item ang available sa seksiyong PUBLIKASYON ng jw.org. Gamitin ang mga tip sa artikulong ito para makita ang publikasyong hinahanap mo.

 Hanapin ang Espesipikong Pamagat ng Publikasyon

Kung alam mo ang pamagat, o kahit ilang salita lang ng pamagat, ng isang publikasyon, gamitin ang paraang binanggit sa ibaba para mabilis mong mahanap ang publikasyon.

Magpunta sa PUBLIKASYON > AKLAT AT BROSYUR.

  • I-click ang drop-down list na Lahat ng Item at mag-type ng salita mula sa pamagat ng publikasyong hinahanap mo. Halimbawa, kung ang aklat na Itinuturo ng Bibliya ang hinahanap mo, i-type ang “itinuturo.” Mga publikasyon lang na may “itinuturo” sa pamagat ang ilalabas ng drop-down list. Piliin ang pamagat ng aklat na hinahanap mo.

  • I-click ang Maghanap.

 Hanapin ang Espesipikong Isyu ng Magasin

Magpunta sa PUBLIKASYON > MAGASIN.

Kapag lumitaw ang unang page, ipapakita nito ang apat na pinakabagong isyu ng Gumising! at ng Ang Bantayan (Edisyong pampubliko) at ang walong pinakabagong isyu ng Edisyon Para sa Pag-aaral at Simplified Edition ng Ang Bantayan. (Hindi lahat ng edisyon ay available sa ilang wika.) Para mahanap ang isang espesipikong isyu ng magasin, sundan ang mga hakbang na ito:

  • Pumili ng espesipikong edisyon ng magasin at taon mula sa mga drop-down list.

  •   I-click ang Maghanap.

Idispley ang Lahat ng Available na Format ng Publikasyon

May dalawang magkaibang pagkakaayos ang displey ng publikasyon—grid view at list view.

I-click ang icon na Grid View para sa mas pinaikling listahan ng publikasyon. Ito ang default view.

Makikita sa Grid View ang pabalat ng publikasyon, mga download icon, at pamagat ng bawat publikasyon. Itapat ang mouse pointer sa download icon (o i-tap iyon sa mobile device) para makita ang lahat ng available na file format para sa uri ng dina-download (digital o audio).

I-click ang icon na List View para baguhin ang pagkakaayos.

Makikita sa List View ang lahat ng available na file format para sa bawat publikasyon.

May ilang publikasyon na available sa iba pang edisyon, gaya ng malalaking letra. I-click ang file format (gaya ng PDF) para makita ang dialog box na naglalaman ng lahat ng available na edisyon sa format na iyon. I-click ang link ng edisyong gusto mong i-download.

 Hanapin ang Espesipikong Laman ng Publikasyon

Kung ang isang publikasyon ay mababasa online, gamitin ang opsyon sa Site Search para makita ang isang artikulo o kabanata na naglalaman ng espesipikong mga salita o parirala.

I-click ang icon na Maghanap. I-type sa text box ang mga salita o parirala na hinahanap mo, saka i-click ang Maghanap. I-type ang lahat ng salita o parirala na alam mong lumitaw sa publikasyong iyon. Makakatulong ito para makita agad ang kabanata o artikulo na pinakamalapit sa hinahanap mo.

Maaari mong limitahan ang iyong paghahanap sa artikulo lang ng mga publikasyon kung susundin ang mga hakbang na ito:

  • I-click ang Tulong sa Paghahanap o Mga Opsyon sa Paghahanap.

  • Sa ilalim ng Kategorya, lagyan ng check ang kahong Publikasyon.

  • I-click ang Maghanap.