Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Pumili ng wika Tagalog

JW LANGUAGE

JW Language Features

JW Language Features

Available sa Maraming Wika

Pumili ng alinman sa 18 available na wika bilang wika mo o wikang pag-aaralan mo. Mga pagpipilian: Bengali, Chinese (Simplified) na may rekording sa Mandarin, English, French, German, Hindi, Indonesian, Italian, Japanese, Korean, Myanmar, Portuguese, Russian, Spanish, Swahili, Tagalog, Thai, at Turkish.

 

Magagamit sa Ministeryo

Ang mga salita at pangungusap sa JW Language ay magagamit sa pangangaral at pagtuturo, at karamihan ay mula sa Bibliya. May mga tract din na magagamit para paghambingin ang wika mo at ang wikang pinag-aaralan mo.

 

Iba’t Ibang Paraan ng Pag-aaral

  • Basahin: Magkatapat ang mga salita o pangungusap sa iyong wika at sa wikang pinag-aaralan mo

  • Pakinggan: Rekording ng pagbasa ng mga salita, pangungusap, at publikasyon sa wikang pinag-aaralan mo

  • Panoorin: Video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? at Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya? sa wika mo at sa wikang pinag-aaralan mo

  • Quiz: Sa Flash-card mode

 

Nako-customize na Paborito

I-save sa Paborito ang anumang salitang madalas mong gamitin o nahihirapan kang tandaan para ma-access mo ito kaagad. Puwede mo ring makita sa Flash-Card Mode ang iyong Paborito.

 

Romanization

Para sa mga wikang hindi isinusulat sa alpabetong Romano, ang mga salita at parirala ay makikita rin sa Romanong titik.

 

Support

Kung nahihirapan kang gamitin ang JW Language, punan at i-submit ang aming online help form.