Accessibility setting

Pumili ng wika

Pumunta sa pangalawahing menu

Pumunta sa nilalaman

Mga Saksi ni Jehova

Tagalog

JW BROADCASTING

Manood sa Seksiyon na Video sa TV.JW.ORG

Manood sa Seksiyon na Video sa TV.JW.ORG

Sa seksiyon na Video, makapanonood ka ng video sa tv.jw.org kahit kailan. Puwede itong i-pause, i-rewind, o i-fast forward. Puwede kang manood ng isang video o panoorin ang lahat ng video sa isang koleksiyon. I-click ang button na Video para makita ang mga kategorya ng video. Sundan ang instruksiyon sa ibaba para maghanap at manood ng mga video:

 Maghanap at Mag-play ng Video

Kapag pumunta ka sa seksiyon na Video, makikita mo ang mga kategorya ng video. Bawat kategorya ay may larawan at titulo. Ang ilang video ay makikita sa iba’t ibang kategorya. Halimbawa, ang video na Ang Pagbabalik ng Alibugha ay makikita sa kategorya na Pelikula, Pamilya, at Tin-edyer.

I-scroll pababa para makita ang lahat ng kategorya.

Pindutin ang larawan o titulo ng kategorya para pumili ng kategorya. Makikita sa banner image sa itaas ang titulo ng kategorya at deskripsiyon. Sa ibaba ng banner image, makikita ang mga koleksiyon ng video sa kategoryang iyon.

Computer o tablet: Pindutin ang Kaliwang Arrow o Kanang Arrow para makita ang iba pang video sa koleksiyon.

Smartphone: Ang unang video sa bawat koleksiyon ang nakadispley. Para makita ang iba pang video sa isang koleksiyon, pindutin ang Iba Pa.

Pindutin ang larawan o pamagat ng napili mong video. Makikita sa banner image sa itaas ang pamagat, deskripsiyon, at haba ng video.

Pindutin ang I-play para ma-play ang video. (Pansinin: Para sa mga gumagamit ng mobile device na iOS o Android, kailangan ding pindutin ang icon na Play ng video player.)

Pindutin ang I-download para ma-save ang video sa iyong computer o mobile device. (Pansinin: Maaaring kailangan sa ilang mobile device ang karagdagang application para makapag-download.) Pindutin ang video resolution na gusto mong i-download.

Kung hindi mo natapos ang panonood ng video at gusto mo na itong ituloy, pindutin ang Ipagpatuloy. Pindutin naman ang I-play sa Simula para mapanood ang video mula sa simula.

  • Tip: Puwede mong pindutin ang I-play Lahat sa tabi ng titulo ng koleksiyon para i-play ang lahat ng video sa isang koleksiyon kaysa i-play nang isa-isa ang bawat video.

    Pansinin: Hihinto lamang ang pagpe-play kapag natapos na ang lahat ng video sa koleksiyon.

  • Kapag pinili mo ang I-play Lahat, puwede mong pindutin ang icon na ito para balikan ang nakaraang video sa koleksiyon.

  • Kapag pinili mo ang I-play Lahat, puwede mong pindutin ang icon na ito para mapanood ang kasunod na video sa koleksiyon.

 Pagpe-play ng Video

Sa seksiyon na Video, puwede mong makontrol ang pagpe-play ng video gaya ng sumusunod:

  • Computer: Para sa full-screen mode, itapat ang mouse sa video at saka i-click ang icon na Full-Screen.

    Tablet o smartphone: Para sa full-screen mode, i-tap ang video at saka pindutin ang icon na Full-Screen.

  • Computer: Para isara ang full-screen mode, pindutin ang Escape key, o itapat ang mouse sa video at saka i-click ang icon na Regular-Mode.

    iOS: Para isara ang full-screen mode, i-tap ang video at saka pindutin ang icon na Regular-Mode.

    Android: Para isara ang full-screen mode, i-tap ang video at saka pindutin ang icon na Regular-Mode. Ang ilang mas lumang mga Android device ay sa full-screen mode lang nakapagpe-play.

    Windows Mobile: Para isara ang full-screen mode, pindutin ang Back button sa iyong device.

  • I-click o pindutin ang Pause para i-pause ang video.

  • I-click o pindutin ang Play para ituloy ang video.

  • Para tumalon sa ibang bahagi ng video, i-drag paabante o paatras ang location indicator.

  • Computer: Para palitan ang resolution ng video na nagpe-play, itapat ang mouse sa video, pagkatapos ay sa icon na Video Settings, at saka pumili ng gusto mong resolution. (Pansinin: Ang feature na ito ay hindi suportado ng lahat ng browser.)

    Pansinin: Miyentras mas mataas ang numero, mas malinaw ang quality ng video, pero nangangailangan ng mas mabilis na koneksiyon sa Internet. Piliin kung ano ang angkop sa bilis ng iyong koneksiyon sa Internet at laki ng screen. (Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Baguhin ang Setting ng Iyong Computer, Tablet, o Smartphone.)

    Tablet o smartphone: Para palitan ang resolution ng video, i-tap ang video, pindutin ang Video Settings, at saka pumili ng gusto mong resolution. (Pansinin: Ang option na ito ay hindi available sa lahat ng mobile video player.)

  • Computer: Para baguhin ang volume, itapat ang mouse sa video, at saka itapat sa icon na Volume. Itaas o ibaba ang volume indicator para lakasan o hinaan ang volume.

    Tablet o smartphone: Para baguhin ang volume, gamitin ang audio button sa iyong device.