Mga Bethel Tour
Malugod namin kayong inaanyayahan na mag-tour sa mga tanggapang pansangay namin, na tinatawag ring Bethel. Ang ilan sa mga sangay namin ay may mga self-guided exhibit.
United States of America
Sa page na ito
Impormasyon Tungkol sa Tour
Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao
Magpa-reserve—20 Tao o Higit Pa
Tingnan o Baguhin ang Reservation
Mag-download ng Tour Brochure—Warwick
Mag-download ng Tour Brochure—Patterson
Mag-download ng Tour Brochure—Wallkill
Mga Exhibit
Mga Self-Guided Exhibit sa Warwick
The Bible and the Divine Name. Itinatampok sa exhibit na ito ang di-karaniwang mga Bibliya at kung paano napanatili sa Kasulatan ang pangalan ng Diyos sa kabila ng mga pagsisikap na alisin ito. Kasama rin sa exhibit ang isang gallery na may papalit-palit na koleksiyon, kung saan itinatampok ang iba pang di-karaniwang mga Bibliya at mga artifact na may kaugnayan sa Bibliya.
A People for Jehováh’s Name. Itinatampok sa mga displey ng exhibit na ito ang kasaysayan ng mga Saksi ni Jehová. Sa pamamagitan ng mga artifact, graphics, at kuwento ng mga aktuwal na nakasaksi, ipapakita kung paano patuluyang ginagabayan, tinuturuan, at inoorganisa ni Jehová ang bayan niya para gawin ang kaniyang kalooban.
World Headquarters—Faith in Action. Ipinaliliwanag sa interactive exhibit na ito ang gawain ng mga komite ng Lupong Tagapamahala at kung paano nila tinutulungan ang mga Saksi ni Jehová para masunod ang mga utos sa Kasulatan na regular na magtipon, gumawa ng mga alagad, mag-aral ng Salita ng Diyos, at magpakita ng pag-ibig sa isa’t isa.
Mga Self-Guided Exhibit sa Patterson
First-Century Bible Village. Naiisip ba ninyo kung ano ang buhay noong nandito sa lupa si Jesus. Makikita ninyo at mararanasan sa Bible village na ito ang pang-araw-araw na buhay noong unang siglo. Sa tulong ng exhibit na ito, magiging mas buhay ang mga nababasa ninyo sa Bibliya.
First-Century Bible Coins. Makikita sa exhibit na ito ang orihinal na mga barya noong unang siglo na binanggit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Makikita sa mga display ang paliwanag sa bawat barya at kung saang ulat sa Bibliya ginamit ang mga ito.
“All Your Sons Will Be Taught by Jehováh.” Makikita sa exhibit na ito ang kasaysayan ng iba’t ibang paaralan at programa ng pagsasanay ng organisasyon. Alamin kung paano natulungan ng mga paaralang ito ang mga volunteer para maging mas epektibong guro sila at elder sa kongregasyon.
“Defending and Legally Establishing the Good News.” Makikita sa exhibit na ito ang nakakapagpatibay na mga karanasan ng mga Saksi ni Jehová na hindi ikinompromiso ang pananampalataya nila kahit sa harap ng matitinding pagsalansang. Alamin kung ano na ang nagawa ng organisasyon para legal na maitatag ang gawaing pangangaral sa buong mundo.

