Impormasyon Tungkol sa Tour
Dapat ba kayong magpa-reserve bago mag-tour? Oo. Para maiwasan ang siksikan at mag-enjoy ang lahat sa tour nila, hinihiling namin na magpa-reserve ng tour ang lahat ng bisita bago sila dumating, gaano man kalaki ang grupo nila.
Kung hindi kayo nakapagpa-reserve, makakapag-tour pa rin ba kayo? Baka hindi kayo makapag-tour. Dahil limitado lang ang kasya sa pasilidad, may takdang bilang lang ang puwedeng mag-tour bawat araw.
Anong oras kayo dapat dumating para sa inyong tour? Para maiwasan ang siksikan, pakisuyong huwag dumating nang mas maaga sa isang oras bago ang reservation ninyo.
Paano magpapa-reserve ng tour? Kung wala pang 20 tao ang grupo ninyo, i-click ang “Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao.” Kung 20 o mas marami, kontakin kami gamit ang mga detalye sa ibaba.
Puwede bang baguhin o kanselahin ang reservation ninyo? Oo. I-click ang “Tingnan o Baguhin ang Reservation.”
Paano kung walang tour na available sa napili ninyong petsa? I-check palagi ang website. May mga tour na nagiging available kapag binago o kinansela ang reservation.
Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao
Tingnan o Baguhin ang Reservation
Mag-download ng Tour Brochure
Mga Exhibit
Our Heritage. Tungkol ito sa pagsulong ng gawaing pangangaral sa Britain at Ireland.
The Bible in Britain. Makikita rito ang mga Bibliya na hindi pangkaraniwan, at itinatampok nito ang pagsulong ng pagsasalin sa Bibliya sa nakalipas na mga siglo.
Britain Branch Departments. Makikita rito ang mga displey at video na nagpapaliwanag ng mga gawain sa sangay sa Britain.
Adres at Telepono
1 Kingdom Way
West Hanningfield
CHELMSFORD
CM2 8FW
ENGLAND
+44 20 8906 2211
Kunin ang Direksiyon