Impormasyon Tungkol sa Tour
Dapat ba kayong magpa-reserve bago mag-tour? Mas inirerekomenda namin ito. Para maiwasan ang siksikan at mag-enjoy ang lahat sa tour nila, hinihiling namin na kung posible, magpa-reserve ang mga bisita bago sila magpunta, gaano man kalaki ang grupo nila.
Kung hindi kayo nakapagpa-reserve, makakapag-tour pa rin ba kayo? Baka hindi kayo makapag-tour. Dahil limitado lang ang kasya sa pasilidad, may takdang bilang lang ang puwedeng mag-tour bawat araw.
Anong oras kayo dapat dumating para sa inyong tour? Para maiwasan ang siksikan, pakisuyong huwag dumating nang mas maaga sa isang oras bago ang reservation ninyo.
Paano magpapa-reserve ng tour? Kung wala pang 20 tao ang grupo ninyo, i-click ang “Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao.” Kung 20 o mas marami, kontakin kami gamit ang mga detalye sa ibaba.
Puwede bang baguhin o kanselahin ang reservation ninyo? Oo. I-click ang “Tingnan o Baguhin ang Reservation.”
Paano kung walang tour na available sa napili ninyong petsa? I-check palagi ang website. May mga tour na nagiging available kapag binago o kinansela ang reservation.
Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao
Tingnan o Baguhin ang Reservation
Mag-download ng Tour Brochure
Adres at Telepono
Rua da Micaia N.º 160
Bairro Triunfo
COSTA DO SOL
MAPUTO
MOÇAMBIQUE – MOZAMBIQUE
+258 21 450 500
Kunin ang Direksiyon