Impormasyon Tungkol sa Tour
Dapat ba kayong magpa-reserve bago mag-tour? Oo. Para maiwasan ang siksikan at mag-enjoy ang lahat sa tour nila, hinihiling namin na magpa-reserve ang lahat ng bisita bago sila dumating, gaano man kalaki ang grupo nila. Pakisuyong magpa-reserve, isang linggo o higit pa bago ang tour ninyo. Walang tour kapag Sabado at Linggo o pagkatapos ng oras ng trabaho.
Kung hindi kayo nakapagpa-reserve, makakapag-tour pa rin ba kayo? Baka hindi kayo makapag-tour. Dahil limitado lang ang kasya sa pasilidad, may takdang bilang lang ang puwedeng mag-tour bawat araw.
Anong oras kayo dapat dumating para sa inyong tour? Para maiwasan ang siksikan, pakisuyong huwag dumating nang mas maaga sa 30 minuto bago ang reservation ninyo.
Paano magpapa-reserve ng tour? Kung wala pang 20 tao ang grupo ninyo, i-click ang “Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao.” Kung 20 o mas marami, i-click ang “Magpa-reserve—20 Tao o Higit Pa.”
Puwede bang baguhin o kanselahin ang reservation ninyo? Oo. I-click ang “Tingnan o Baguhin ang Reservation.”
Paano kung walang tour na available sa napili ninyong petsa? I-check palagi ang website. May mga tour na nagiging available kapag binago o kinansela ang reservation.
Puwede ba kayong magdala ng pet? Hindi. Hindi puwedeng magdala ng alagang hayop sa loob ng Bethel, maliban sa mga service animal.
Magpa-reserve—Wala Pang 20 Tao
Magpa-reserve—20 Tao o Higit Pa
Tingnan o Baguhin ang Reservation
Mag-download ng Tour Brochure
Adres at Telepono
Via della Bufalotta 1281
I-00138 ROMA RM
ITALIA – ITALY
+39 06 872941
Kunin ang Direksiyon