Impormasyon Tungkol sa Tour
Dapat ba kayong magpa-reserve bago mag-tour? Oo. Para maiwasan ang siksikan at mag-enjoy ang lahat sa tour nila, hinihiling namin na magpa-reserve ng tour ang lahat ng bisita bago sila dumating, gaano man kalaki ang grupo nila.
Kung hindi kayo nakapagpa-reserve, makakapag-tour pa rin ba kayo? Baka hindi kayo makapag-tour. Dahil limitado lang ang kasya sa pasilidad, may takdang bilang lang ang puwedeng mag-tour bawat araw.
Anong oras kayo dapat dumating para sa inyong tour? Para makapagsimula sa tamang oras ang tour ninyo, pakisuyong dumating nang 10 minuto o mas maaga pa bago ang reservation ninyo.
Paano magpapa-reserve ng tour? I-click ang “Magpa-reserve.”
Puwede bang baguhin o kanselahin ang reservation ninyo? Oo. I-click ang “Tingnan o Baguhin ang Reservation.”
Paano kung walang tour na available sa napili ninyong petsa? I-check palagi ang website. May mga tour na nagiging available kapag binago o kinansela ang reservation.
Magpa-reserve
Tingnan o Baguhin ang Reservation
Mag-download ng Tour Brochure
Adres at Telepono
Stenhusvej 28
DK-4300 HOLBÆK
DANMARK – DENMARK
+45 59 45 60 00
Kunin ang Direksiyon