Impormasyon Tungkol sa Tour
Dapat ba kayong magpa-reserve bago mag-tour? Oo. Para maiwasan ang siksikan at mag-enjoy ang lahat sa tour nila, hinihiling namin na magpa-reserve ang lahat ng bisita bago sila dumating, gaano man kalaki ang grupo nila. Pakisuyong magpa-reserve, isang linggo o higit pa bago ang tour ninyo. Kapag holiday o mga buwan ng bakasyon, pakisuyong magpa-reserve nang mas maaga.
Kung hindi kayo nakapagpa-reserve, makakapag-tour pa rin ba kayo? Baka puwede pa rin kayong makapag-tour. Pero dahil limitado lang ang kasya sa pasilidad, may takdang bilang lang ang puwedeng mag-tour bawat araw.
Anong oras kayo dapat dumating para sa inyong tour? Para maiwasan ang siksikan, pakisuyong huwag dumating nang mas maaga sa 15 minuto bago ang reservation ninyo.
Paano magpapa-reserve ng tour? Kung wala pang 10 tao ang grupo ninyo, i-click ang “Magpa-reserve—Wala Pang 10 Tao.” Kung 10 o mas marami, kontakin kami gamit ang mga detalye sa ibaba.
Puwede bang baguhin o kanselahin ang reservation ninyo? Oo. I-click ang “Tingnan o Baguhin ang Reservation.”
Paano kung walang tour na available sa napili ninyong petsa? I-check palagi ang website. May mga tour na nagiging available kapag binago o kinansela ang reservation.
Make a Reservation—Fewer Than 10
Tingnan o Baguhin ang Reservation
Mag-download ng Tour Brochure
Adres at Telepono
Note: Makikita ang tanggapang pansangay sa pagitan ng Calle 46 at Calle 48.
Kunin ang Direksiyon