Tagalog
Photo Gallery 2—Pilipinas (Hunyo 2015 Hanggang Hunyo 2016)
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/502018503/univ/art/502018503_univ_sqr_xl.jpg

Photo Gallery 2—Pilipinas (Hunyo 2015 Hanggang Hunyo 2016)

Photo Gallery 2—Pilipinas (Hunyo 2015 Hanggang Hunyo 2016)

Natapos ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas ang isang malaking renovation project sa kanilang sangay sa Quezon City. Makikita sa photo gallery na ito ang mga ginawa nila at kung paano sumuporta ang mga boluntaryo mula Hunyo 2015 hanggang Hunyo 2016. Makalipas ang ilang buwan, puwede nang gamitin ang mga na-renovate na gusali, at inialay ang mga ito noong Pebrero 2017.

Drowing ng natapos na sangay sa Pilipinas. Ang kabilang sa mga gusali at istrakturang itinayo o ni-renovate ay:

  • Building 4 (Residence)

  • Building 5 (Audio/Video, Service Department)

  • Building 6 (Landscaping, Vehicle Repair, Welding)

  • Building 7 (Computer, Local Design/Construction, Maintenance, Shipping, Translation)

Hunyo 15, 2015—Quezon City site

Ginagawa ng concrete team ang walkway na magdurugtong sa Building 1, 5, at 7.

Hunyo 15, 2015—Building 5

Bago simulan ang isang proyekto, pinag-aaralan muna ng mga karpintero ang mga drowing ng Regional Design/Construction Department–Asia/Pacific. Noong Marso 2016, lumipat sa tanggapang pansangay ng Pilipinas ang departamentong ito na galing sa Australia.

Hunyo 23, 2015—Quezon City site

Dine-demolish ng excavator ang sementadong driveway para gumawa ng hukay. Maglalagay sa hukay ng bagong mga chilled-water pipe para sa centralized na aircon.

Hulyo 20, 2015—Quezon City site

Inihahanda ng mag-asawa mula sa United States ang iwe-welding nilang handrail para sa walkway.

Hulyo 20, 2015—Quezon City site

Ibinabaon ng mga manggagawa ang mga chilled-water pipe sa pagitan ng Building 4 at 5.

Setyembre 18, 2015—Building 5

Gumagamit ng gun tacker ang isang karpintero sa paggawa ng pasimano ng bintana.

Setyembre 18, 2015—Building 5

Inilalatag ng isang manggagawa ang mga carpet tile. Naka-carpet ang buong ikalawang palapag ng Building 5 para mabawasan ang ingay, dahil nandito ang Audio/Video Department.

Oktubre 22, 2015—Building 5

Nilalagyan ng mga manggagawa ng heat-reflective paint ang labas ng isang gusali. Dahil sa pinturang ito, hindi tumatagos ang radyasyon ng araw kaya napapanatili ang malamig na temperatura sa loob at nababawasan ang konsumo ng kuryente.

Pebrero 10, 2016—Building 4

Inaalis ng mason ang mga kahoy na ginamit sa pagtatayo ng pader. Ang Building 4, na may dalawang palapag, ang tuluyan ng mga estudyanteng nag-aaral sa iba’t ibang Bible school.

Pebrero 10, 2016—Building 4

Isang miyembro ng heating, ventilation, at air-conditioning team ang naglalagay ng insulation sa mga chilled-water pipe. Nakakatulong ang insulation para gumana nang maayos ang chilled-water system at para hindi masyadong magpawis ang mga tubo.

Pebrero 16, 2016—Building 4

Tine-test ng isang technician mula sa Australia ang isang circuit breaker sa isang electrical switch cabinet. Mahigit 100 bihasang manggagawa mula sa ibang bansa ang inimbitahan para tumulong sa renovation project.