Tagalog
Maging Kaibigan ni Jehova—Kanta Tayo!
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/1011754/univ/art/1011754_univ_sqr_xl.jpg

Maging Kaibigan ni Jehova—Kanta Tayo!

Makakatulong ang mga video ng mga kanta na masasabayan ng mga anak mo para makabisado nila ang mga liriko ng Kingdom song

Jehova ang Iyong Ngalan (Awit 2)

Purihin ang pangalan ni Jehova sa pamamagitan ng awit na ito.

Mga Kamangha-manghang Gawa ng Diyos (Awit 5)

Pinapahalagahan mo ba araw-araw ang mga nilalang ng Diyos?

Mga Nilikha—Pumupuri sa Diyos (Awit 11)

Puwede mong makilala si Jehova sa pamamagitan ng mga nilikha niya.

Handang Tumulong (Awit 17)

Paano ka makakatulong sa iba?

Ibinigay Mo ang Iyong Mahal na Anak (Awit 20)

Isang kanta na tutulong sa atin na pahalagahan ang pag-ibig ni Jehova at ni Jesus.

Maging Kaibigan ni Jehova (Awit 28)

Gusto mo bang maging kaibigan ng Diyos? Matututuhan mo sa kantang ito kung paano.

Tutulungan Ka Niya (Awit 38)

Tutulungan ka at palalakasin ni Jehova para gawin ang tama.

Pakinggan Sana ang Aking Dalangin (Awit 41)

Manalangin kay Jehova, at pakikinggan ka niya kahit nasaan ka.

Salamat, Jehova (Awit 46)

Ano ang mga ipinagpapasalamat mo kay Jehova? Habang kinakanta mo ang awit na ito, bilangin ang mga bagay na maipagpapasalamat mo.

Manalangin Ka kay Jehova (Awit 47)

Paano ka matutulungan ng panalangin na magpatawad at mapatawad?

Maghanda Para Mangaral (Awit 53)

Maghanda tayo sa ministeryo!

“Ito ang Daan” (Awit 54)

Paano mo maipapakitang nakikinig ka sa tinig ng Diyos at tumutulad sa halimbawa ni Jesus?

Mangaral sa Lahat ng Uri ng Tao (Awit 57)

Nangangaral ka ba sa lahat ng tao anuman ang hitsura nila?

Hanapin ang mga Kaibigan ng Kapayapaan (Awit 58)

Isang kanta na magtuturo sa mga bata na mahalin ang mga tao at hanapin ang mga kaibigan ni Jehova sa buong mundo.

Papurihan si Jehova! (Awit 59)

Paano mo mapupuri si Jehova araw-araw?

Ipangaral ang Salita (Awit 67)

Gusto mo bang kumanta tungkol sa pangangaral ng salita ng Diyos?

Bigyan Mo Kami ng Katapangan (Awit 73)

Bibigyan ka ni Jehova ng katapangan para patuloy kang makapagpatotoo tungkol sa kaniyang pangalan.

Ano’ng Nadarama Mo? (Awit 76)

Sumama sa pangangaral para hanapin ang mga makikinig.

Tikman at Tingnan ang Kabutihan ni Jehova (Awit 80)

Kabisaduhin ang awit na ito at kantahin sa isa na nasa buong-panahong paglilingkod.

Ang Buhay ng Payunir (Awit 81)

Isipin ang buhay ng isang payunir kung saan lagi mong mararanasan ang pagpapala ni Jehova.

“Sa Bahay-bahay” (Awit 83)

Puwede ka ring makibahagi sa pagpapalaganap ng mensahe ng Kaharian!

Maglingkod Nang Lubos (Awit 84)

May iba’t ibang paraan kung paano ka makapaglilingkod nang lubos para makatulong sa iba.

Makinig at Sumunod Upang Pagpalain Ka (Awit 89)

Sabayan sina Caleb at Sophia sa pagkanta at alamin kung bakit masaya ang mga masunurin.

Pagpalain ang Aming Pagtitipong Sama-sama (Awit 93)

Sumabay sa pagkanta at panoorin ang ginagawa ng ilang kaibigan mo para makadalo sa pulong.

Maging Mapagpatuloy (Awit 100)

Tutulong sa atin ang awit na ito na maging mabait at matularan ang pagkamapagpatuloy ni Jehova.

Naglilingkod Nang May Pagkakaisa (Awit 101)

Panoorin ang pagkakaisa ng ating mga kapatid sa panahon ng internasyonal na kombensiyon.

Si Jehova ay Pag-ibig (Awit 105)

Maipapakita nating mahal natin ang mga kapatid kung tutularan natin si Jehova.

Mga Dahilan ng Ating Kagalakan (Awit 111)

Ano ang mga dahilan mo para magalak?

Hindi Tayo Susuko (Awit 129)

Paano makakatulong sa iyo ang pananampalataya sa mga pangako ng Diyos para makapagtiis?

Maging Mapagpatawad (Awit 130)

Tularan si Jehova para mapatawad natin ang iba.

Sambahin si Jehova Habang Nasa Kabataan (Awit 133)

Alalahanin ang iyong Dakilang Maylikha habang nasa kabataan ka pa.

Mga Anak—Ipinagkatiwala ng Diyos (Awit 134)

Alam mo ba na ang mga bata ay mahalagang regalo mula sa Diyos? Kabisaduhin ang kantang ito para masabayan mo.

“Magpakarunong Ka, Anak Ko” (Awit 135)

Gusto mo bang mapasaya ang puso ni Jehova? Panoorin ang video na ito para malaman kung paano.

Kapag Naging Bago ang Lahat ng Bagay (Awit 139)

Isang kanta na tutulong sa iyo na ma-imagine ang sarili mo sa paraiso kung saan gagawing bago ng Diyos ang lahat ng bagay.

Buhay na Walang Hanggan​—Sa Wakas! (Awit 140)

Sumabay sa pagkanta at isiping nasa Paraiso ka na at nabubuhay nang walang hanggan.

Ang Regalong Buhay (Awit 141)

Praktisin ang kantang ito nang ilang beses at handa ka nang awitin ito sa Kingdom Hall.

Masdan Mo ang Gantimpala! (Awit 144)

Habang kinakanta mo ang awit na ito, isip-isipin kung gaano kasarap mabuhay sa Paraiso.

Buhay na Walang Hanggan—Isang Pangako (Awit 147)

Ibabalik ni Jehova ang Paraisong lupa. Nai-imagine mo ba iyon?

Isang Awit ng Tagumpay (Awit 149)

Para matularan si Moises at ang mga Israelita, kantahin ang awit na ito ng papuri kay Jehova.