Makakakuha ka ng mapagkakatiwalaang impormasyon na magagamit mo para mapabuti ang buhay mo ngayon at magbibigay sa iyo ng positibong pananaw tungkol sa hinaharap.
Noon pa man, gusto na ng mga tao na makilala ang Maylalang nila. Matutulungan tayo ng Bibliya na maging kaibigan ng Diyos. Pero kailangan muna nating malaman ang pangalan niya.