MAGING KAIBIGAN NI JEHOVA
Papurihan si Jehova
Maaalala mo sa activity na ito ang maraming dahilan para purihin si Jehova.
Mga magulang, basahin at talakayin ang Awit 146:2 kasama ang mga anak ninyo.
I-download at i-print ang activity na ito.
Panoorin ang video na Papurihan si Jehova, at pag-usapan ang mga dahilan para purihin siya. Gupitin ang mga hayop at lugar. Pagkatapos, idikit ang mga hayop sa tamang puwesto, at pagsunod-sunurin ang mga lugar ayon sa paglitaw ng mga ito sa video.

