Tagalog
Aalisin ni Jesus ang Krimen
https://cms-imgp.jw-cdn.org/img/p/501100102/univ/art/501100102_univ_sqr_xl.jpg
mrt artikulo 109

alfa27/stock.adobe.com

Aalisin ni Jesus ang Krimen

Aalisin ni Jesus ang Krimen

 Alam ni Jesus ang pakiramdam na mabiktima ng krimen at kawalang-katarungan. Pinaratangan siya, ilegal na binugbog at nilitis, at hinatulan ng kamatayan. Wala siyang ginawang mali, pero kusa niyang ibinigay “ang buhay niya bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28; Juan 15:13) Bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, malapit na niyang bigyan ng katarungan ang lahat ng tao at permanenteng alisin ang krimen sa buong mundo.—Isaias 42:3.

 Ganito ang sinasabi ng Bibliya na magiging kalagayan ng mundo kapag kumilos na si Jesus:

  •   “Ang masasama ay mawawala na; titingnan mo ang dati nilang kinaroroonan, pero hindi mo sila makikita roon. Pero ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at mag-uumapaw ang kanilang kaligayahan dahil sa lubos na kapayapaan.”—Awit 37:10, 11.

 Paano natin maipapakita ang pasasalamat natin sa mga ginawa at gagawin pa ni Jesus para sa atin? Ang isa sa puwede mong gawin ay pag-aralan ang tungkol sa “mabuting balita ng Kaharian ng Diyos,” na ipinangaral niya. (Lucas 4:43) Basahin ang artikulong “Ano ang Kaharian ng Diyos?”