Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 8

Si Jehova ang Ating Kanlungan

Pumili ng Audio Recording
Si Jehova ang Ating Kanlungan
PAGKAKAAYOS

(Awit 91)

  1. 1. Jehova, ang kanlungan,

    Tiwala’y sa kaniya.

    Dapat na manirahan

    Lagi sa lilim niya.

    Tayo’y ipagsasanggalang;

    Hindi niya pababayaan.

    Si Jehova’y sandigan.

    Siya’y tapat, makatarungan.

  2. 2. Libo man sa ’yong kanan

    Ang magsisibagsak.

    Mat’wid at maaamo,

    ’Di mapapahamak.

    ’Di tayo dapat masindak,

    ’Pag ang hatol ay ’nilapat.

    Tayo ay iingatan

    At ligtas sa kaniyang pakpak.

  3. 3. Kahit saanmang dako,

    Palaging tandaan,

    Iingatan niya tayo,

    Laging babantayan.

    Sa araw o kadiliman,

    Walang dapat katakutan.

    Jehova, ang kanlungan,

    Nariyan siya magpakailanman.