Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 74

Makiawit Tungkol sa Kaharian!

Pumili ng Audio Recording
Makiawit Tungkol sa Kaharian!
PAGKAKAAYOS

(Awit 98:1)

  1. 1. Ito’y awit ng masayang tagumpay;

    Papuri sa Kataas-taasan.

    Nagbibigay sa atin ng pag-asa.

    Makiawit tungkol sa Kaharian:

    (KORO)

    ‘Diyos sambahin sa trono niya.

    Kaniyang Anak ay Hari na!

    Halina’t umawit at pag-aralan

    Ang awitin tungkol sa Kaharian.’

  2. 2. Bagong awit, ito’y nagbabalita,

    Naghari na si Kristo sa lupa.

    At siya’y mayro’ng kasamang magmamana,

    Ang inihula na bagong bansa:

    (KORO)

    ‘Diyos sambahin sa trono niya.

    Kaniyang Anak ay Hari na!

    Halina’t umawit at pag-aralan

    Ang awitin tungkol sa Kaharian.’

  3. 3. Ang awit ’di mahirap pag-aralan;

    Ang mensahe ay napakaganda.

    Sa b’ong lupa, marami na’ng natuto,

    At sila rin ay nag-aanyaya:

    (KORO)

    ‘Diyos sambahin sa trono niya.

    Kaniyang Anak ay Hari na!

    Halina’t umawit at pag-aralan

    Ang awitin tungkol sa Kaharian.’