Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 47

Manalangin Ka kay Jehova

Pumili ng Audio Recording
Manalangin Ka kay Jehova
PAGKAKAAYOS

(1 Tesalonica 5:17)

  1. 1. Manalangin sa Diyos na Jehova,

    Pribilehiyo bilang kaibigan niya.

    Siya’y lapitan, buksan ang ’yong puso;

    Magtiwalang Siya’y tutulong sa ’yo.

    Manalangin sa kaniya.

  2. 2. Manalangin at magpasalamat.

    Pagkakasala ay ipagtapat.

    Hingin ang kaniyang kapatawaran

    At alam niyang tayo’y alabok lang.

    Manalangin sa kaniya.

  3. 3. Manalangin ka ’pag may problema,

    Dahil si Jehova’y ating Ama.

    Iingatan at tutulungan ka;

    Huwag kang matakot, magtiwala ka.

    Manalangin sa kaniya.