Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 137

Mga Babaeng Tapat

Pumili ng Audio Recording
Mga Babaeng Tapat
PAGKAKAAYOS

(Roma 16:2)

  1. 1. Sara at Esther, Maria, Ruth, at Hana—

    Mahusay at may kakayahan sila,

    Makadiyos na debosyon ’pinakita,

    Mga asawang babae sa Bibliya.

    Iba pa’y mahal din ni Jehova,

    At tapat sa kaniya, hindi man kilala.

  2. 2. Kabaitan, pag-ibig, kabutihan—

    Mga katangian na taglay nila,

    Katangian na napakahalaga.

    Sila ay magagandang halimbawa.

    At ang mga Kristiyanong babae,

    Sa Diyos ay tapat na kagaya rin nila.

  3. 3. Mga anak, nanay, asawa’t biyuda—

    Atas ginagawa n’yo nang masaya,

    Mahinhin din at mapagpasakop nga.

    Nakamit n’yo ang pagsang-ayon ng Diyos.

    Sana ay lagi kayong ingatan,

    Magpakatatag at gantimpala’y lubos.