Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 124

Ipakita ang Katapatan

Pumili ng Audio Recording
Ipakita ang Katapatan
PAGKAKAAYOS

(Awit 18:25)

  1. 1. Katapatan, ipakita

    sa ’ting Diyos na Jehova.

    Bilang bayang nakaalay,

    Alamin ang utos niya.

    Payo niya ay makat’wiran;

    Sundin ang kaniyang gabay.

    Siya’y tapat, maaasahan.

    Sa kaniya’y ’di wawalay.

  2. 2. Katapatan, ipakita

    sa ’ting mga kapatid;

    May tiwala’t malasakit,

    at palaging mabait.

    Ang dangal ay ipakita;

    Igalang silang tunay.

    Sa buklod ng kapatiran,

    Huwag tayong hihiwalay.

  3. 3. Katapatan, ipakita

    sa mga nangunguna.

    Sundin natin mga payo

    at tagubilin nila.

    Pagpapala ni Jehova,

    Ito ay sasaatin.

    Kung tapat at masunurin,

    Pagsang-ayo’y kakamtin.