Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 115

Salamat sa Pagtitiis ng Diyos

Pumili ng Audio Recording
Salamat sa Pagtitiis ng Diyos
PAGKAKAAYOS

(2 Pedro 3:15)

  1. 1. Dakila ka, Diyos na Jehova;

    Kat’wiran mo ay sagana.

    Naghahari ang masama

    at kami ay nagdurusa.

    Ang araw mo’y dumarating na;

    Pagtitiis matatapos na.

    (KORO)

    Inaasam ang pag-asa,

    Taglay ang pagpapahalaga.

  2. 2. Libong taon, sa ’yong pananaw

    ay gaya lang ng ’sang araw.

    Paghatol mo’y malapit na;

    Hindi ’to maaantala.

    Ika’y galít sa kasalanan;

    ’Pag nagsisi’y kapatawaran.

    (KORO)

    Inaasam ang pag-asa,

    Taglay ang pagpapahalaga.