Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

 AWIT 100

Maging Mapagpatuloy

Pumili ng Audio Recording
Maging Mapagpatuloy
PAGKAKAAYOS

(Gawa 17:7)

  1. 1. Mapagpatuloy ang Diyos na Jehova.

    Hindi nagtatangi ang pag-ibig niya.

    Ang araw at ulan,

    kaniyang ’nilalaan,

    Ang pagkain at kagalakan.

    Kapag nililingap natin ang dukha,

    Bilang anak ay tinutularan siya.

    Kaniyang susuklian,

    ating kabutihan,

    Ang taimtim na kabaitan.

  2. 2. Kagandahang-loob ay ipakita

    Sa nangangailangan, sinuman sila.

    Maa’ring dumating,

    pagpapala sa ’tin,

    Kung tayo ay mapagpatuloy.

    Tulad ni Lydia no’n ay sabihin mo

    Sa mga kapatid: ‘Tuloy po kayo.’

    Alam ni Jehova

    at nakikita niya

    Ating pagkamapagpatuloy.