Sulitin ang Panahon

Sulitin ang Panahon

I-download:

  1. 1. Ang buhay ay kay daling maglaho

    At wala ring katiyakan.

    Kailangang ipadama sa iba

    Ang pag-ibig na tunay at totoo.

    (KORO)

    Panahon ay lumilipas at nasasayang din

    Kung pag-ibig ay hanggang damdamin lang.

    ’Di ko na palilipasin ang pagkakataon.

    Panahon ay ’di na sasayangin pa

    Na ipakita ang pag-ibig at iparamdam sa iba.

  2. 2. Kay ganda ng namamasdan ko

    Sa mga nilikha ng Ama.

    At dahil tunay ang pag-ibig niya,

    Siya ang Diyos na paglilingkuran kailanman.

    (KORO)

    Panahon ay lumilipas at nasasayang din

    Kung pag-ibig ay hanggang damdamin lang.

    ’Di ko na palilipasin ang pagkakataon.

    Panahon ay ’di na sasayangin pa

    Na ipakita ang pag-ibig at iparamdam sa ’king Diyos.

    (BRIDGE)

    Darating ang pag-asang kay ganda

    Na kay Jehova nanggaling.

    At habang panaho’y lumilipas,

    Ito’y laging sulitin.

    (KORO)

    Panahon ay lumilipas at nasasayang din

    Kung pag-ibig ay hanggang damdamin lang.

    ’Di ko na palilipasin ang pagkakataon.

    Panahon ay ’di na sasayangin pa—

    Ipapakita ang pag-ibig sa aking Diyos at sa iba.