Kaligayahan Kong Gawin ang Kalooban Mo (Awit Para sa 2025 Kombensiyon)

Kaligayahan Kong Gawin ang Kalooban Mo (Awit Para sa 2025 Kombensiyon)

(Awit 40:8)

I-download:

  1. 1. Sa Jordan, siya’y nagpabautismo,

    Ang minamahal mong anak.

    Tinupad niya ang ’yong layunin

    Nang buong makakaya.

    Sa harap ng bawat pagsubok

    Ay tapat siyang naglingkod.

    Ang sigasig niya sa ’yong ngalan,

    ’Yan ang aking susundan.

    (KORO)

    Kaligayahan ko, O Diyos,

    Gawin ang kalooban mo.

    Buong pusong maglilingkod;

    Susundin ang utos mo.

    Dahil sa kalooban mo,

    May buhay na hinihintay.

    At dahil sa pag-ibig mo,

    Buhay ko’y ibibigay

    Sa ’yo, O Diyos.

  2. 2. Karangalan ko, O Jehova,

    Na matawag na lingkod mo.

    Ang lahat ng natututuhan

    Ay ibabahagi ko.

    Pipiliin kong makasama

    Ang iyong buong bayan.

    Dadalhin ko ang ’yong pangalan

    At lul’walhatiin ka.

    (KORO)

    Kaligayahan ko, O Diyos,

    Gawin ang kalooban mo.

    Buong pusong maglilingkod;

    Susundin ang utos mo.

    Dahil sa kalooban mo,

    May buhay na hinihintay.

    At dahil sa pag-ibig mo,

    Buhay ko’y ibibigay

    Sa ’yo, O Diyos

    Magpakailan pa man.

(Tingnan din ang Awit 40:3, 10.)